Nairaos Din

Parang ang halay yata ng title ko a. :(

Heniweys, four days ng nakatingga sa cellphone ko ang mga high school graduation pictures na ‘to ng unica hija ko. Bago pa man mapanis, kelangan ma-upload at mai-post ko na ang mga kodak na ‘tu dito sa blog ko para dokumentado eklavu kuno.

Isa ‘to sa mga importanteng “ganap” sa buhay namin mag-nanay.

Sa loob ng 21 years kong pagiging single mom, pang-6th na graduation ng mga bagets ko ‘tong dinaluhan ko. (Kindergarten, Elementary and High School x 2).

Haays…mga dalawang graduation na lang sa college ang bubunuin at paaabutin ni Mamaru. Siguro pag nakatapos na sila ng college, (si Kev mga one year na lang) eh siguro ay pwede na akong matigok at bumalik na lang dun sa kaharian naming mga engkantada/diyosa. Hehe!

Minsan kasi parang nakakapagod na rin ang maging mortal eh. Charot!

**(Click images for larger view)

 

 

 

 

Bago ko makalimutan, gusto kong pasalamatan ang waffu kong friend ko na si Roderick sa pagpapautang sa akin ng pambili ng graduation shoes ni Keziah. Taos-puso po ‘tong pagte-tenkyu ko sa ‘yo, mah friend. As in!

Dapat lang na i-acknowledge ko ang taong ‘to dahil sya lang ang tanging naging takbuhan ko last week. Hehe!

Siempre graduation eh, expected na limas na limas ang milyones na  datung ni Mamaru sa dami ng binayaran sa school. Wa istir itu en I don’t have shy to telled you dis becoz its trulalu. Wahihi! Eh ganyan talaga ang mga buhay ng mga solong-magulang.

Well, kahit papano ay nakaraos din sa High School ang dalawang bagets ko.

Pero ang lahat-lahat na mga kaganapan na ‘to sa buhay namin mag-nanay, ay higit na ipinagpapaSALAMAT ko/namin dun sa itaas – kay Bathala!

Maraming salamat po! Kitang-kita ko po na hindi Nyo kami pinababayaan. Bow!

oOo

“It doesn’t matter kung hindi naa-appreciate ang effort mo, as long as masaya ka habang ginagawa ang mga yon para sa mga taong mahal mo.”

Related Posts with Thumbnails

9 thoughts on “Nairaos Din

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

CommentLuv badge