Parang ang halay yata ng title ko a. π
Heniweys, four days ng nakatingga sa cellphone ko ang mga high school graduation pictures na ‘to ng unica hija ko. Bago pa man mapanis, kelangan ma-upload at mai-post ko na ang mga kodak na ‘tu dito sa blog ko para dokumentado eklavu kuno.
Isa ‘to sa mga importanteng “ganap” sa buhay namin mag-nanay.
Sa loob ng 21 years kong pagiging single mom, pang-6th na graduation ng mga bagets ko ‘tong dinaluhan ko. (Kindergarten, Elementary and High School x 2).
Haays…mga dalawang graduation na lang sa college ang bubunuin at paaabutin ni Mamaru. Siguro pag nakatapos na sila ng college, (si Kev mga one year na lang) eh siguro ay pwede na akong matigok at bumalik na lang dun sa kaharian naming mga engkantada/diyosa. Hehe!
Minsan kasi parang nakakapagod na rin ang maging mortal eh. Charot!
**(Click images for larger view)
Bago ko makalimutan, gusto kong pasalamatan ang waffu kong friend ko na si Roderick sa pagpapautang sa akin ng pambili ng graduation shoes ni Keziah. Taos-puso po ‘tong pagte-tenkyu ko sa ‘yo, mah friend. As in!
Dapat lang na i-acknowledge ko ang taong ‘to dahil sya lang ang tanging naging takbuhan ko last week. Hehe!
Siempre graduation eh, expected na limas na limas ang milyones na datung ni Mamaru sa dami ng binayaran sa school. Wa istir itu en I don’t have shy to telled you dis becoz its trulalu. Wahihi! Eh ganyan talaga ang mga buhay ng mga solong-magulang.
Well, kahit papano ay nakaraos din sa High School ang dalawang bagets ko.
Pero ang lahat-lahat na mga kaganapan na ‘to sa buhay namin mag-nanay, ay higit na ipinagpapaSALAMAT ko/namin dun sa itaas – kay Bathala!
Maraming salamat po! Kitang-kita ko po na hindi Nyo kami pinababayaan. Bow!
oOo
“It doesn’t matter kung hindi naa-appreciate ang effort mo, as long as masaya ka habang ginagawa ang mga yon para sa mga taong mahal mo.”
congrats mamaru! dalawang graduation na lang! π
congrats mamaru… sana matupad lahat ang mga pangarap mo para sa mga kids mo….sana tuloy tuloy na ang swerte
@Apollo: Honga! Salamat kay Bathala gayud! π
@Nick: Tenkyu!Sana nga ay magtuloy-tuloy at makatapos sila. Gayunpaman, madaming dasal pa din ang kakailanganin. π
More Blessings! Mamaru
Congrats Maru:)
@Monds and Rhea: Thank you so much, guys! Have a nice weekend.
congrats mamaru! ehehe ang sweet naman talaga ng mga anak nyo.. kukulet ng mga pics nila together.. π
Dahil siguro sa malaking age gap nila. They have 5 years gap.