Summer Cooler: Buko Pandan Ice Candy

It’s official! SUMMER naaaaaa!

Whew! Ang init-init na ng panahon. Sarap-sarap magborles lagi. Hehe!

Kahit kauumpisa pa lang ng tag-init eh sinimulan ko na  agad ng paggawa ng summer cooler.

Eto, BUKO PANDAN ICE CANDY!

Kakabugin neto ang tinagurian nila dito sa Pilipinas na Social Climbers Ice Cream na Magnum! Charot!

Ewan ko ba, bakit ba overhyped ang ice cream na yan! Ano ba meron sa Magnum na yan at sobrang pinag usapan, pinagtalunan sa mga social networking? At ang mahal mahal pa ha!

May nakita ako sa FB, yung iba eh may pa-picture picture pa habang kumakain ng Magnum!  Ano yun? Pasosyal ang peg? Sus! If I know eh sanay lang naman sila kumain ng kinaskas na yelo galing sa gilid ng freezer nila noh. Haha!

Ang bitter ni Mamaru. Palibhasa walang pambili ng Magnum. Hmp!

buko pandan ice candy3

Dito na lang ako sa Buko Pandan Ice Candy ko. :D

Malapit ‘to sa puso ko kasi parte ‘to ng kabataan ko. FYI, naglalako ako neto noon. Elementary pa lang ako, marunong na ako gumawa ng ice candy at impernes, magaling ako magtali. Hindi lambutin at talagang tigasin pag nagtatali ako ng ice candy wrapper.

buko pandan ice candy2

Mayaman ako ng buko dito sa bahay. May tanim kasi akong coconut tree dito kaya siksik at liglig sa sahog na buko ang ice candy kong ‘to.

buko pandan flavored gulaman

Siempre, yung gelatin ko, pandan flavored din.

diced buko pandan gulaman

Enjoy ang Mamaru sa pagda-dice ng gelatin. :P Parang naglalaro lang.

diced gelatin 

Kelangan ang mga sumusunod na kagamitan na ‘to para mas mapagaan ang buhay mo sa paggawa ng ice candy.

funnel, measuring cup, chopstick

Funnel, measuring cup at chopstick na pangsundot pag nagkaka-trapik ang buko at gelatin sa funnel.

Siempre, bukod sa buko meat, buko juice at gelatin, kasama sa main ingredients ang white sugar at evaporated milk. Nilagyan ko rin ng konting patak ng McCormick Pandan flavoring din.

icecandy making 

Gabi nang ginawa ko ‘to. Tamang-tama kako para kinabukasan eh astig na ang mga ice candy ko.

  ice candies

Kinaumagahan….Dyaaraaaaaaan! :P

buko pandan ice candy1

Kahit mga dalaga at binata na ang mga junakis ko…mabenta pa rin sa kanila ang ganitong pampalamig.

 

 

oOo

"Huwag kang magsawang sumubok kung nasaktan ka, kasi masarap ang may minamahal."

 

Related Posts with Thumbnails

2 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

CommentLuv badge