Egg Muffins Sa Almusal

Kahit madalas ay sinusumpong ako ng katamaran sa pagluluto, impernes naman sa akin, matutuwa ka pag sinusumpong ako ng kasipagan.

Pag may sumpong akong magsipag, ginagawa kong kumplikado ang isang pagluluto na kung tutuusin ay napaka-simple lang naman. Parang tanga lang noh?

Ewan ko ba, para akong adik. Minsan ay gusto kong pahirapan ang sarili ko sa mga trip ko. 

Gaya na lang netong ginawa kong EGG MUFFINS chaharat na ‘to.

eggmuffins2     

Imbes na i-pan fry lang ang vienna sausage o kaya i-scramble ang mga betlogs sa simpleng paraan para sa almusal namin, eto…nag-inarte ako.

Ginawan ko ng ibang twist. (O ha!! may twist-twist pa akong nalalaman ha! Neknek ko!)

eggmuffins1

Di ko alam kung bakit may sumpong aketch na magdiva-divahan sa kusina.

my egg muffins main ingredients

Kunsabagay, paminsan-minsan ay kelangan ibahin din natin o kaya mag isip tayo ng paraan na mabigyan ng kakaibang sigla ang mga pang araw-araw na lutuin natin para hindi boring at para pampawala na rin ng umay sa usual scrambled eggs.

eggmuffin_1

Kasehodang itsurang weird ang kinalalabasan minsan ng mga cooking expirement. Hehe!

Pero ‘tong egg muffins ko, hindi ‘to expirement ha! Bunga ‘to ng paglalamyerda ko sa internet kasama si bespren Google.

Gaya-gaya lang ako aktwali. Madali lang naman kasi gawin. kasi kahit anong ingredients ang trip mo na ihalo sa itlog ay pwede!

Eto ang mga sahog na meron ako sa ref nang maisipan ko subukan magluto ng EGG MUFFINS. Kaya parang orig na rin ‘tong recipe ko. Chos!

vienna sausage tidbits

Four pieces Vienna Sausage.

chopped red bell pepper

Bell pepper.

r

Kalahating red bell pepper lang ang nagamit ko para sa 4 na pirasong EGG MUFFINS.

grated cheddat cheese

Cheddar cheese na sobra-sobra lang sa naitagong keso de bola ko noong bagong taon pa.

chopped green onions

Dahon ng sibuyas.

 3 beaten eggs 

Binateng 3 pirasong betlogs. At siempre, salt and pepper.

filled

Apat lang ang ginawa ko. Tig-isa kami nina Kevin, Keziah, at Sang. :D

oven toaster

Tsaka sa toaster over ko lang kasi ibe-bake. Kaya tamang-tama lang ang apat na cupcake molder.

eggmuffins0

Umapaw ng konti ang mixture ko. Dapat pala ay hindi ko masyado pinuno ang molder. :(

 egg_muffin

Lumabas na mga mukhang-bundat na bears ang tsura ng silicon molders ko. Hehe!

DSC06557_2

Hmmmn…mga 15 minutes lang na pagbe-bake, luto na agad.

egg

Perpek na partner ‘to kahit sa tinapay man o sinangag na kanin. :D

egg

HAPPY MONDAY, lovelies!

 

 

oOo

"Kung hindi ka handa magka-anak, huwag kang magtanggal ng panty!"

Related Posts with Thumbnails

Leave a Reply

CommentLuv badge