Minsan May Isang Pipit

Kalurkey ang ginawa ni Sang last week.

Dito sa bahay, kahit saan ako magpunta asahan mong nakabuntot sa akin ang bitchesang alaga kong ‘to sa akin.

Sang

Ang kwento ay ganito…

Nagsasampay ako ng mga tanggap kong labada sa likod ng bahay namin and as usual, sinamahan ako ni Sang nang biglang hinabol ni doggie ko ang mga ibon na nanginginain sa lupain ko. (I repeat, lupain! Chos!)

Pucha! Sa bilis ng paghabol ni Sang at siguro sa laking gulat at sobrang nerbyos din yata — may hindi agad naka-TAKE OFF na isang tweetie bird!!

birdie1

Syet! Naiwanan ang isang pipit  na itey ng mga dabarkads nyang nagkanya-kanyang liparan!!!

Mas lalo akong napa-syet nang nakita kong sakmal na agad sya ni Sang! Waaaaaah!

Nag freak-out ang Mamaru!

Nasa bibig ni Sang ang tweetie bird nang humarap sa akin ang alaga ko! At kahit nagsisigaw na ako, ayaw pa rin bitawan ng bitchesa ang ibon! Josko! Parang gusto ko na magtawag ng barangay tanod sa mga pangyayaring yun! (Exajs!)

Awang-awa kami sa ibon! Buhay pa ng pinakawalan sya ni Sang. Kaso nalumpo yata yung isang paa nya eh kasi hindi nya maituwid. :(

 birdie2

Kita ko, kumukurap-kurap pa siya. Gusto namin tulungan at gamutin ni Keziah kaso hindi namin alam kung papano! (CPR kaya?)

Wala naman kaming makitang sugat. Walang dugo. (Internal hemorrhage?) Pero ang bilis ng paghinga nya. Naghihingalo yata. Wala kaming magawa kundi ang obserbahan muna sya.

birdie3

Kaso ilang minuto lang ang nakalipas, biglang bumaliktad! Este tumihaya!

Omaygad! Pumantay ang mga paa nya! Flatline! Tigok! Dedo! RIP na siya!!! @#%^**$#@!!

Siempre, naawa at nanghinayang kami. Kaso mukhang napuruhan yata sya ng alaga namin at di nya talaga kinaya.

Walang may gusto sa nangyari. :( :( :( 

Well, kahit papano naman, ang tanging nagawa namin sa pobreng pipit ay ang bigyan sya ng disenteng libing…sa kabutihang-loob ni Keziah.

birdie4

At ang salarin?

Well, as of this writing, GROUNDED ang mamamatay-ibon naming alaga!

Hindi muna namin pinalalabas ng bahay. Mahirap na at baka resbakan sya ng mga dabarkads nung namatay na ibon. Charing!

 

oOo

“Para kang ULAN.. kung kailan nag i-enjoy na akong magtampisaw.. .saka ka naman hihinto at bigla-biglang mawawala.”

Related Posts with Thumbnails
This entry was posted in Our Pet.

4 comments

  1. PauNo Gravatar says:

    kawawa naman ang pipit, ganyan din mga pusa ko, ginagawang libangan at ulam ang mga maya. :(

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Ang lupit din minsan netong mga alaga natin di ba? Pati mga inosente eh nadadamay. Charot!

    [Reply]

Leave a Reply

CommentLuv badge