Bespren For Beast Friend

Noong Holy Week, staycation lang ang drama namin magnanay dito sa Iligan.

Pero may mga araw na doon din kami tumambay sa haus ng sister ko na umuwi galing Vancouver.

GO kami sa kanila kasi bukod na nagkatipon-tipon kami, eh LIBRE din ang lafang dun. Hehe!

At dahil Holy Week, petiks lang kami dun. Walang ginawa kundi…

ripe guavas

…mamitas ng bayabas nila…

green mangoes 

…mag-abang sa mga kusang naglalaglagan na mga manggang hinog nila…

puppy bath  

…manood sa mga tuta habang nililiguan ng pamangkin ko…

with the pups

At makipag bonding sa mga bagong-ligong tutas (plural).

Ang mga puppies na itey ay anakis ng tanging survivor sa mga alagang aso ng Ate Millette ko noong bagyong Sendong. Buntis ang aso nilang si Micah noon, na naka-akyat sa bubong nila kaya nakaligtas. Si Micah lang ang natira sa mga alaga nila. Kaya naman ang name ng mga tuta nila ngayon ay Sendong 1, Sendong 2, Sendong 3 at Sendong 4.

Cross mix of Shih Tzu and Lab ang doggies ng ate ko.

me and Jeproks

Nakipaglandian din ako kay Jeproks, alaga ng isa ko pang pamangkin.

Isang Sendong survivor din si Jeproks.

me and Jeproks-001

Sa umpisa, OK lang kami ni Jeproks sa “photoshoot” namin.

Kaso mainitin pala ang ulo ni Jep. Nairita sa kodakan namin, nabwisit at ako ang pinagbalingan.

Kaya eto ang napala ko…

dog bites

Dog bites!

Ayayay! Kagat sa labi ko at sa kamay ang inabot ko. (Tragis! Pati ba naman aso eh pinagnanasaan ako at sa upper lip ako kinagat? Dyoks!)

Namaga at nagbleed agad ang sugat ko. Siempre, agad-agad hinugasan ko ng soap and water ang tama ko. Naglagay din ako ng iba pang First Aid. Hindi naman ako masyadong nag-worry kasi vaccinated naman ng anti-rabies si Jeproks. Mas nag worry ako na magka-infection ang sugat ko kesa sa rabies. Sa awa ni Lord ay wala naman, pero mga dalawang araw din akong nagtiis sa sobrang kirot ng sugat ko.

As of this writing, magaling na ang mga sugat ko sa labi at sa kamay. Walang peklat. 😛

3 pups

Kahit sugatan na ako nung araw na yun (Good Friday), bumalik pa rin ako sa may labas, sumalampak at nakipagharutan pa rin sa mga puppies dun.

Yun nga lang, hindi na ako lumalapit kay Jeproks.

Pero it doesnt mean naman na hindi na kami friends. Inpak, kahit kinagat at kinatalo nya ako noon, BESPREN na ang tawag ko sa kanya.

Bakit BESPREN?

Well, BESPREN…tagalog term ng BEAST FRIEND. Hehe!

 

 

oOo

“Wag mo ng hanapin yung mga taong ayaw naman magpakita.”

5 Things That I love

Limang bagay na nagpapasaya/nagpapangiti sa akin ngayon.

1. My Notebooks.

my notebooks

(1) RECIPE Notebook ko itu.  Pangarap ko sana ang magka-iPad para mas madali ko nadadala sa kusina ang kodigo ng mga recipe na natatagpuan ko sa internet. Kaso poorita pa ako ngayon. Pero alam ko magkakaroon din ako ng iPad someday…pag hindi na uso yun. 😛 Sa ngayon, pinagtitiyagaan ko na lang muna ang mano-mano na pagkopya ng recipes sa notebook na ‘to.

(2) EMO Notebook ko. Mas napakinabangan ko ang Starbucks Planner na itey as labasan ko ng ka-emohan. Dito ko sinusulat ang mga hinaing ko sa layp, mga pagsisikip ng dibdib ko (hindi dahil masikip ang bra ko) sa mga bagay-bagay, at kung anik-anik pang mga ka-sentihan at ka-shitan ko sa mga pangyayari. Hindi ko naman pwedeng i-blog sa takot kong baka pag nabasa nyo yun ay pagtsi-tsismisan nyo lang ako. Hehe!

(3) MINI-Notebook/Passport Holder. May kasamang mini-notebook ang passport holder kong ‘to. Nagiging listahan ko ‘to ng mga TO-DOs, listahan ng mga pinagkakautangan, mga pinagkagastusan, at kodigo ng mga bibilhin sa palengke/supermarket. Lagi ko dala-dala sa bag kasi maliit lang sya. Lagi ko rin dala passport ko kasi baka biglang kailanganin sa palengke (?) at baka harangin ako ng mga taga-immigration pag nasa galaan ang beauty ko. Chos! Hehe! Nagfe-feeling foreigner ang Mamaru sa sariling bayan.

2. The Body Shop LOVE ETC stuff…thru the courtesy of my niece, Gay Lani.

body shop love etc

Aminin ko, hindi na ako nakakabili ng mga bagay para pang-meynteyn ng ganda ko. Chos!

Kakahiya man sabihin, ni bagong panty wala ako. Hahaha! Hanubah! Siempre, pag single parent …uunahin talaga sa budget ang para sa mga basic needs. Kaya naman, pag nabibigyan ako ng mga kikay stuff gaya ng pabango o mga anik-anik na pampaganda eh, HAPPY na ang Mamaru! Hindi man ako lumalabas, madalas man akong magmongha sa balur ko, malaking tulong ‘to para maging mabango ako at hindi ako nag aamoy-lupa.

Kaya tenkyu sa mga taong nagmamahal sa akin para mapanatili ko ang pagiging young, fresh, and delicious ko. Hihihi!

3. Black Matte Stainless Steel Coffee Tumbler + Pack of Ground Coffee

starbucks ground coffee

As usual, bigay lang ng Ate Ellen ko ang tumbler. A double-walled stainless steel tumbler. Pang Grande ang size.

Pero mas nai-excite ako dito sa ground coffee na binigay din sa akin ni pamangkin Gay Lani. Paano hindi mai-excite ang Mamaru, eh maha-habang panahon din yata na hindi masasayaran ang pang-jologs kong lalamunan na mas sanay lang sa 3-in-1 coffee. Heniweys, sushal-sushalan muna ang peg ko ngayon sa kape.

4. A Bag of Whole Bean Coffee

coffee beans

First time akong nabigyan ng whole bean coffee. Sa umpisa, ayaw kong tanggapin ‘to kasi sabi ko, ano naman gagawin ko dito eh wala naman akong coffee grinder? Pero naisip ko, sayang din, kaya kinuha ko na rin Hehe!

As usual, takbo ako kay bespren Google para makahanap ng solusyon kung ano ang iba pang paraan para madurog ko ang mga coffee beans na itey, pag walang coffee grinder.

Ayun! Pwede pala i-blender ang mga beans! Solb agad ang problema ko. Sa ngayon, nagdudurog lang ako ng whole beans sa umaga, yung tamang-tama lang na pang 3 cups kasi yun ang sabi ni bespren Google. Wag durugin o i-grind lahat kung di naman gagamitin agad… para daw fresh lagi yung coffee when brewing.

O ha! Stop muna ako sa mga instant coffee ngayon. Level-up muna ako.

Ako lang ang umiinom ng kape dito sa bahay. Pag hindi pa kumapit sa akin ang nerbyos sa katawan sa iinumin kong bottomless na kape, ewan ko na lang.

5. Black and Decker Coffee Maker

black and decker coffeemaker

Hulaan nyo kung ilang taon na ang coffee maker na itey?

Lumang-luma na ‘to.

Mas matanda pa ‘to kay Keziah. I think 18 yrs na ‘to. Kita naman sa porma di ba? Digital na kasi ang uso sa mga coffee maker ngayon.

Sa ngayon, dito talaga ako pinakamasaya sa gamit kong ‘to. Eh kasi naman, sa pagkakaalam ko…junk na ‘to! Sira na! Waley na kwenta! Hindi ko lang noon maitapon dahil sa senti value nya. Kung hindi pa ako nabigyan ng ground and whole beans coffee, hindi ko na ‘to maaalala.

Noon ko pa gusto bumili ng bago. But since wala kasi akong pambili ng bagong coffee maker, napilitan akong linisin at i-try ulit kung gagana pa ‘tong makina. Nagbaka-sakali lang naman ako.

Ampotah! Gumana nga! Yung bulb ng On and OFF switch lang pala ang ayaw umilaw kaya akala ko eh sira na! (Pundido) Pero it’s working! Halelujah! Lol!

Well, isa lang ang ibig sabihin neto. Tuloy-tuloy ang ligaya at tuloy-tuloy ang pagiging adik ko sa kape. 😀

 

oOo

“Kung BOYFRIEND lang naman ang pag-uusapan. Wala akong pakialam kasi WALA AKO NUN.”

Saturday Humor 04.14.12

** Courtesy of MIKE

life is so much more GF: "Sex lang ang gusto mo sakin."
BF: "Hindi ah."
GF: "Di mo nga ako kinikilala."
BF: "Kilala kita."
GF: "Sige nga.. anong kulay ang mata ko?"
BF: "36-D."

May 3 batang nambosa sa guro at nahuli sila.
GURO: "Pedro, ano nakita mo?"
PEDRO: "Kaliwang suso nyo mam.
GURO: Pwes suspended ka ng isang linggo. Ikaw juan ano nakita mo?"
JUAN: "2 suso nyo mam."
GURO: "Suspended ka ng 1 buwan. Ikaw Carlos? O bakit ka lalabas?"
CARLOS: "Pauwi na mam. Sa nakita ko, tiyak tapos na ang pagaaral ko."

ANAK: "Magtatanan na kami ng kapitbahay natin, malaki kasi ari nya at masarap sya sa kama."
AMA: "Haay salamat. Bawas sakit ng ulo. Wag mo kalimutan magpaalam sa nanay mo."
ANAK: "Tay, binabasa ko yung iniwan na sulat ni nanay."

TANONG: Ano ang tawag sa babaeng hindi nagger?
SAGOT: Guni-guni

MEN VS. WOMEN

Women are like iPHONES, you have to touch all over before they respond.
Men are like BLACKBERRIES, rub one ball and everything moves.

May isang mister na nakipagsex sa kapitbahay na Misis din. Biglang dumating ang Mister nito kaya tumakas ang lalake at naiwan ang mga damit. Pag-uwi nya…
MRS: "Bakit nakahubad ka?"
MR: "Holdap, ninakaw nila lahat ng damit ko!"
MR: "Buti naman di nila ninakaw ung condom sa ari mo."

MRS: "Ngayong gabi dahil anniversary natin, ako’y mag-ii-striptease."
MR: "Ah ok"
MRS: "Ano gusto mong una kong huhubarin?"
MR: "Itong salamin ko, para di kita makita!"

LALAKI: "Gusto ng mga babae na pinagbubuksan sila ng pinto..
pero hindi pala habang umiihi sila. Pinagmumura ako tuloy!"

GIRL: "Wow ang mahal ng regalo mo sakin!"
BOY: "Siyempre, mahal kita eh!"
GIRL: "Ano ka ba.. it’s the thought that counts."
BOY: "No, it’s the kan-thought that counts!"

THOUGHT FOR THE DAY:
Hindi nangangahulugan na kapag maganda at mamahalin ang camera, magaling ka na kumuha ng litrato..
Parang hindi rin nangangahulugan na kapag may bird kang malaki, magaling ka na sa sex!

Man says to wife one night, "let’s try out this rape fantasy tonite."
Wife says, "NO WAY!"
Man retorts, "THAT’S THE SPIRIT!"

May isang bata na sobrang kuLit, Kahit anong gawin ng ama, ayaw tumino..
Sa sobrang gaLit ng ama, pinasok nya sa sako ang bata at binitin..
BATA: "Tay!"
AMA: (naawa sa ginawa) "Ano?!"
BATA: "Taaaayy!!"
AMA: "Ano?! Magbabago ka na ba?!"
BATA: "Taaayy!!"
AMA: (Lumapit sa sakong nakabitin) "Ano?! Magbabago ka na?!"
BATA: "Paki-SWING naman!"

GIRL: "Nawawala yung aso ko. pagnahanap mo para sakin, papa-finger ‘ko sayo."
BOY: "Mmm… ano ang hitsura?"
GIRL: "Maitim, makapal ang balahibo at malaki."
BOY: "Aahh.. di na lang bale!"

BERTA: "Alam mo mare mayaman pala ung nanliligaw saken, biro mo pinakaen ako sa malaking restoran ang dami nga choices of food e.."
MARTA: "Sikat siguro yan, ano ba name ng restoran?"
BERTA: "FOODCOURT"

PULIS: "Ni-rape mo ba ang babae?"
LALAKE: "Hindi po rape yun."
PULIS: "Ano?"
LALAKE: "Extreme speed dating."

 

Use VINCENT in a sentence. “Your message has VIN CENT.”

Use MOLAVE in a sentence. “Kiss MOLAVE ko.”

 

oOo

"Ang hirap sa mga kabet, hanggat hindi kayo nasasabunutan sa mall, napapahiya at namumura ng mga tunay na asawa, hindi kayo titigil."

Today’s Brekky

Sharap talaga pag bakasyon at walang pasok. Pwedeng late matulog sa gabi at pwedeng late din ang gising kinaumagahan. (Di baleng late, ang importante eh nagigising.)

Wala ang unico hijo ko at nasa Manila. Binubuno nya ang 400 hours para sa Practicum nya. Sa ibang salita, kasalukuyan nasa On The Job Training ang Kevintot ko sa Ortigas at mga dalawang buwan din namin syang hindi makikita.

Kami lang ni Keziah ang naiwan dito sa kuta namin kaya naman laging good for two lang ang mga niluluto kong meals ngayon.

Eto ang maganda pag kami lang dalawa ni Ziah dito. Dahil ibang-iba ang bituka ng mga babae sa lalaki, hindi kelangan heavy ang mga lafang namin.

Gaya na lang sa almusal namin na ‘to kanina. Tig-isang SANDWICH lang kami ni Keziah eh solve na ang mga tiyan namin. 😛

egg and cheese sandwich

Apat na piraso ng lumang white bread lang ang kelangan…

2 eggs

tsaka 2 eggs…

baked eggs

(Bineyk ko ang mga betlogs sa oven toaster namin for 15 minutes…)

quickmelt cheese  

at konting quickmelt cheese lang…

egg and cheese sandwich1

Gusto ko sana gayahin ang egg mcmuffin ng McDo kahit kunyari lang. Kaso wala pala akong burger patties. 😛

mamaru's mcmuffin

Kaya ganito na lang sya… simpleng egg and cheese sandwich na lang. Pwede na ‘to!

Ipinasok ko ulit ang sandwiches sa mini oven para i-toast saglit ang bread at para na rin mag-melt yung cheese.

brewed coffee and egg sandwich   

Siempre, mawawala ba naman ang coffee ko sa brekky ko? Take note, brewed coffee yan. Asensado na akels ngayon, mga teh. Lels! 😛

Next time, gagawa na talaga ako ng real egg mcmuffin. Abangan! Charot!

 

 

oOo

“Ang tunay na maganda hindi ginagawang coloring book ang mukha.”