5 Things That I love

Limang bagay na nagpapasaya/nagpapangiti sa akin ngayon.

1. My Notebooks.

my notebooks

(1) RECIPE Notebook ko itu.  Pangarap ko sana ang magka-iPad para mas madali ko nadadala sa kusina ang kodigo ng mga recipe na natatagpuan ko sa internet. Kaso poorita pa ako ngayon. Pero alam ko magkakaroon din ako ng iPad someday…pag hindi na uso yun. :P Sa ngayon, pinagtitiyagaan ko na lang muna ang mano-mano na pagkopya ng recipes sa notebook na ‘to.

(2) EMO Notebook ko. Mas napakinabangan ko ang Starbucks Planner na itey as labasan ko ng ka-emohan. Dito ko sinusulat ang mga hinaing ko sa layp, mga pagsisikip ng dibdib ko (hindi dahil masikip ang bra ko) sa mga bagay-bagay, at kung anik-anik pang mga ka-sentihan at ka-shitan ko sa mga pangyayari. Hindi ko naman pwedeng i-blog sa takot kong baka pag nabasa nyo yun ay pagtsi-tsismisan nyo lang ako. Hehe!

(3) MINI-Notebook/Passport Holder. May kasamang mini-notebook ang passport holder kong ‘to. Nagiging listahan ko ‘to ng mga TO-DOs, listahan ng mga pinagkakautangan, mga pinagkagastusan, at kodigo ng mga bibilhin sa palengke/supermarket. Lagi ko dala-dala sa bag kasi maliit lang sya. Lagi ko rin dala passport ko kasi baka biglang kailanganin sa palengke (?) at baka harangin ako ng mga taga-immigration pag nasa galaan ang beauty ko. Chos! Hehe! Nagfe-feeling foreigner ang Mamaru sa sariling bayan.

2. The Body Shop LOVE ETC stuff…thru the courtesy of my niece, Gay Lani.

body shop love etc

Aminin ko, hindi na ako nakakabili ng mga bagay para pang-meynteyn ng ganda ko. Chos!

Kakahiya man sabihin, ni bagong panty wala ako. Hahaha! Hanubah! Siempre, pag single parent …uunahin talaga sa budget ang para sa mga basic needs. Kaya naman, pag nabibigyan ako ng mga kikay stuff gaya ng pabango o mga anik-anik na pampaganda eh, HAPPY na ang Mamaru! Hindi man ako lumalabas, madalas man akong magmongha sa balur ko, malaking tulong ‘to para maging mabango ako at hindi ako nag aamoy-lupa.

Kaya tenkyu sa mga taong nagmamahal sa akin para mapanatili ko ang pagiging young, fresh, and delicious ko. Hihihi!

3. Black Matte Stainless Steel Coffee Tumbler + Pack of Ground Coffee

starbucks ground coffee

As usual, bigay lang ng Ate Ellen ko ang tumbler. A double-walled stainless steel tumbler. Pang Grande ang size.

Pero mas nai-excite ako dito sa ground coffee na binigay din sa akin ni pamangkin Gay Lani. Paano hindi mai-excite ang Mamaru, eh maha-habang panahon din yata na hindi masasayaran ang pang-jologs kong lalamunan na mas sanay lang sa 3-in-1 coffee. Heniweys, sushal-sushalan muna ang peg ko ngayon sa kape.

4. A Bag of Whole Bean Coffee

coffee beans

First time akong nabigyan ng whole bean coffee. Sa umpisa, ayaw kong tanggapin ‘to kasi sabi ko, ano naman gagawin ko dito eh wala naman akong coffee grinder? Pero naisip ko, sayang din, kaya kinuha ko na rin Hehe!

As usual, takbo ako kay bespren Google para makahanap ng solusyon kung ano ang iba pang paraan para madurog ko ang mga coffee beans na itey, pag walang coffee grinder.

Ayun! Pwede pala i-blender ang mga beans! Solb agad ang problema ko. Sa ngayon, nagdudurog lang ako ng whole beans sa umaga, yung tamang-tama lang na pang 3 cups kasi yun ang sabi ni bespren Google. Wag durugin o i-grind lahat kung di naman gagamitin agad… para daw fresh lagi yung coffee when brewing.

O ha! Stop muna ako sa mga instant coffee ngayon. Level-up muna ako.

Ako lang ang umiinom ng kape dito sa bahay. Pag hindi pa kumapit sa akin ang nerbyos sa katawan sa iinumin kong bottomless na kape, ewan ko na lang.

5. Black and Decker Coffee Maker

black and decker coffeemaker

Hulaan nyo kung ilang taon na ang coffee maker na itey?

Lumang-luma na ‘to.

Mas matanda pa ‘to kay Keziah. I think 18 yrs na ‘to. Kita naman sa porma di ba? Digital na kasi ang uso sa mga coffee maker ngayon.

Sa ngayon, dito talaga ako pinakamasaya sa gamit kong ‘to. Eh kasi naman, sa pagkakaalam ko…junk na ‘to! Sira na! Waley na kwenta! Hindi ko lang noon maitapon dahil sa senti value nya. Kung hindi pa ako nabigyan ng ground and whole beans coffee, hindi ko na ‘to maaalala.

Noon ko pa gusto bumili ng bago. But since wala kasi akong pambili ng bagong coffee maker, napilitan akong linisin at i-try ulit kung gagana pa ‘tong makina. Nagbaka-sakali lang naman ako.

Ampotah! Gumana nga! Yung bulb ng On and OFF switch lang pala ang ayaw umilaw kaya akala ko eh sira na! (Pundido) Pero it’s working! Halelujah! Lol!

Well, isa lang ang ibig sabihin neto. Tuloy-tuloy ang ligaya at tuloy-tuloy ang pagiging adik ko sa kape. :D

 

oOo

“Kung BOYFRIEND lang naman ang pag-uusapan. Wala akong pakialam kasi WALA AKO NUN.”

Related Posts with Thumbnails

Leave a Reply

CommentLuv badge