Bespren For Beast Friend

Noong Holy Week, staycation lang ang drama namin magnanay dito sa Iligan.

Pero may mga araw na doon din kami tumambay sa haus ng sister ko na umuwi galing Vancouver.

GO kami sa kanila kasi bukod na nagkatipon-tipon kami, eh LIBRE din ang lafang dun. Hehe!

At dahil Holy Week, petiks lang kami dun. Walang ginawa kundi…

ripe guavas

…mamitas ng bayabas nila…

green mangoes 

…mag-abang sa mga kusang naglalaglagan na mga manggang hinog nila…

puppy bath  

…manood sa mga tuta habang nililiguan ng pamangkin ko…

with the pups

At makipag bonding sa mga bagong-ligong tutas (plural).

Ang mga puppies na itey ay anakis ng tanging survivor sa mga alagang aso ng Ate Millette ko noong bagyong Sendong. Buntis ang aso nilang si Micah noon, na naka-akyat sa bubong nila kaya nakaligtas. Si Micah lang ang natira sa mga alaga nila. Kaya naman ang name ng mga tuta nila ngayon ay Sendong 1, Sendong 2, Sendong 3 at Sendong 4.

Cross mix of Shih Tzu and Lab ang doggies ng ate ko.

me and Jeproks

Nakipaglandian din ako kay Jeproks, alaga ng isa ko pang pamangkin.

Isang Sendong survivor din si Jeproks.

me and Jeproks-001

Sa umpisa, OK lang kami ni Jeproks sa “photoshoot” namin.

Kaso mainitin pala ang ulo ni Jep. Nairita sa kodakan namin, nabwisit at ako ang pinagbalingan.

Kaya eto ang napala ko…

dog bites

Dog bites!

Ayayay! Kagat sa labi ko at sa kamay ang inabot ko. (Tragis! Pati ba naman aso eh pinagnanasaan ako at sa upper lip ako kinagat? Dyoks!)

Namaga at nagbleed agad ang sugat ko. Siempre, agad-agad hinugasan ko ng soap and water ang tama ko. Naglagay din ako ng iba pang First Aid. Hindi naman ako masyadong nag-worry kasi vaccinated naman ng anti-rabies si Jeproks. Mas nag worry ako na magka-infection ang sugat ko kesa sa rabies. Sa awa ni Lord ay wala naman, pero mga dalawang araw din akong nagtiis sa sobrang kirot ng sugat ko.

As of this writing, magaling na ang mga sugat ko sa labi at sa kamay. Walang peklat. :P

3 pups

Kahit sugatan na ako nung araw na yun (Good Friday), bumalik pa rin ako sa may labas, sumalampak at nakipagharutan pa rin sa mga puppies dun.

Yun nga lang, hindi na ako lumalapit kay Jeproks.

Pero it doesnt mean naman na hindi na kami friends. Inpak, kahit kinagat at kinatalo nya ako noon, BESPREN na ang tawag ko sa kanya.

Bakit BESPREN?

Well, BESPREN…tagalog term ng BEAST FRIEND. Hehe!

 

 

oOo

“Wag mo ng hanapin yung mga taong ayaw naman magpakita.”

Related Posts with Thumbnails

Leave a Reply

CommentLuv badge