Today’s Brekky

Sharap talaga pag bakasyon at walang pasok. Pwedeng late matulog sa gabi at pwedeng late din ang gising kinaumagahan. (Di baleng late, ang importante eh nagigising.)

Wala ang unico hijo ko at nasa Manila. Binubuno nya ang 400 hours para sa Practicum nya. Sa ibang salita, kasalukuyan nasa On The Job Training ang Kevintot ko sa Ortigas at mga dalawang buwan din namin syang hindi makikita.

Kami lang ni Keziah ang naiwan dito sa kuta namin kaya naman laging good for two lang ang mga niluluto kong meals ngayon.

Eto ang maganda pag kami lang dalawa ni Ziah dito. Dahil ibang-iba ang bituka ng mga babae sa lalaki, hindi kelangan heavy ang mga lafang namin.

Gaya na lang sa almusal namin na ‘to kanina. Tig-isang SANDWICH lang kami ni Keziah eh solve na ang mga tiyan namin. :P

egg and cheese sandwich

Apat na piraso ng lumang white bread lang ang kelangan…

2 eggs

tsaka 2 eggs…

baked eggs

(Bineyk ko ang mga betlogs sa oven toaster namin for 15 minutes…)

quickmelt cheese  

at konting quickmelt cheese lang…

egg and cheese sandwich1

Gusto ko sana gayahin ang egg mcmuffin ng McDo kahit kunyari lang. Kaso wala pala akong burger patties. :P

mamaru's mcmuffin

Kaya ganito na lang sya… simpleng egg and cheese sandwich na lang. Pwede na ‘to!

Ipinasok ko ulit ang sandwiches sa mini oven para i-toast saglit ang bread at para na rin mag-melt yung cheese.

brewed coffee and egg sandwich   

Siempre, mawawala ba naman ang coffee ko sa brekky ko? Take note, brewed coffee yan. Asensado na akels ngayon, mga teh. Lels! :P

Next time, gagawa na talaga ako ng real egg mcmuffin. Abangan! Charot!

 

 

oOo

“Ang tunay na maganda hindi ginagawang coloring book ang mukha.”

Related Posts with Thumbnails

Leave a Reply

CommentLuv badge