Takip

Sa pagiging single mom ko, may mga panahon talaga na kumbinsido akong si Wonder Woman si ako. Chos!

Eh kasi naman, siempre, since walang Mister na pwedeng umalalay sa buhay at sa bahay, nakasanayan ko na yung halos lahat ng gawain ay ako lang ang gumagawa. At talagang kinakaya ko naman kasehodang trabahong panglalaki pa ang mga yan. Dats why, madalas, ako lang talaga ang lumalabas na BIDA. Hehe!

Kaso minsan, pumapalya din ang super powers ko. Gaya na lang ng pagbubukas ng takip ng Oyster Sauce bottle ko kahapon. Hindi ko kinaya ang higpit!

Haruykupo! Napaisip nga ako, parang gusto ko lumunok ulit ng bato at sumigaw na lang ng “Darnaaaa!”! Charot!

Ewan ko ba kung bakit hindi ko mabuksan ang takip ng lintek na bote! As in lahat na lang yata ng pwersa ko ay nagamit ko na.

Haays…eto ang hirap pag walang kasamang lalaki. Naniniwala kasi akong iba pa rin ang lakas at ka-machohan ng lalaki noh.

No choice na talaga akels kahapon. Kaya naman ang naging diskarte ko ay yung paunti-unti ko na lang sinira ang takip ng bote gamit ang scalpel kutsilyo at long nose screw driver. Ingat na ingat si Mamaru kasi baka mabasag o mag-crack ang bottle neck at magkaroon ng bubog ang laman ng bote. Nakakapanghinayang naman kung hindi ko mapakinabangan ang Oyster Sauce ko.

Eto ang resulta ng trabaho ko.

Bunging Takip!

 bottle cap 

Halatang kagagawan ng tsik di ba? Hehe! Bungi eh!

oyster sauce 

Kebs kung nakakatawa ang tsura ng takip ko. Ang importante ay nailigtas ko ang laman ng Oyster Sauce ko. 😛

Buhay-single mom nga naman!

 

oOo

“Sa init ng panahon ngayon, masarap kumain ng aircon.”

8 thoughts on “Takip

  1. Waaaaaah! Tama ka rin noh? Oo nga! Bakit ba hindi ko naisip yan?
    Ang naisip ko ay idarang sya sa apoy kaso naisip ko baka matunaw yung takip at baka mas lalong humigpit.
    Next time…pag naka enkwentro ako ulit ng ganun, eh ganyan na ang gagawin ko. Salamat! Mwah!

    [Reply]

  2. hahaha natawa naman ako sa post nyo, and congrats dahil nagawan ng paraan ang oyster sauce, oks lang na pangit na ang takip, onteng panahon lang naman at mauubos din ang laman, napadaan nga po pala 🙂

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Hi Rich! Thanks for leaving a comment. Korek ka, mauubos na rin naman ang Oyster Sauce ko.At hinding-hindi na rin ako bibili ng brand na yun kasi pinagdusa pa ang beauty ko sa pagbubukas.

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *