Bagong Bundt Pan

May bago akong nabiling Silicone Bundt Pan dito sa may amin sa tabi-tabi lang sa halagang wan pipti (P150.00). Siempre, dahil bago, excited akong gamitin. Kelangan mabinyagan na agad ‘kako. Kaya nanghalungkat ako ng recipe ng Bundt Cake sa internet.

silicone bundt pan

Hanep sa kulay ng bundt pan ko – neon green! Kalurkey! Eto na lang kasi ang natirang kulay.

Heniweys, naghanap nga ako ng bundt recipe at gusto ko yung simple lang dahil gusto ko lang i-try ‘tong bago kong gamit. At may nakita naman agad ako.

silicon bundt pan2

Para sa recipe ng Chocolate Bundt Cake na ‘to, click HERE.

Napakadaling gawin, ni hindi ko na ginamitan ng electric mixer.

Pero aminado akong hindi  pa rin expert sa pagbi-cake at alam kong marami pa akong dapat matutunan. Medyo nagulat kasi ako dito sa pagtubo ng cake. Parang ang OA! Lol!

chocolate bundt cake  

Hindi ko alam kung “excited” lang ang Baking Powder at masyadong syang umalsa. Eh one teaspoon baking powder lang naman ang nilagay ko. Hindi kaya dahil sa wire whisk at hindi electric mixer ang ginamit ko kaya nagkaganito? 😀 May konek kaya yun?

chocolate bundt cake1 

Heniweys, nang binaliktad ko na ang bundt molder ko, ok naman ang cake.

choco bundt cake

Natawa ako sa sinabi ng niece kong si Tweetums habang nilalagyan ko ng chocolate frosting at binudburan ng chocolate chips ang bundt cake ko.  Biro nya, parang isang malaking DONUT daw ang chura! Hahaha!

bundt cake with choco frosting

Pero nang matikman ang cake, two thumbs up ang sarap, impernes!

 

 

oOo

“Nakakainis yung mga magagandang babae. Minsan bitin mag…”

2 thoughts on “Bagong Bundt Pan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *