Buto-Buto

Patuloy kong inaabuso ang paggamit ng Slow Cooker ng sis ko habang andito pa sa akin.

Kung noon ay panay lean meat lang kami at umiiwas ako bumili ng karneng may mga buto-buto dahil tamad ako magpakulo ng matagal at magpalambot, hindi na ngayon uy! Lume-level up ng konti ang Mamaru!

DSC06919_2

Panay kopya ko ngayon ng mga recipe na may kinalaman sa paggamit ng Slow Cooker. Para maiba naman ang nilalafang namin ‘kako.

DSC06921

At eto ang isa sa mga natripan kong recipe na i-try, ang FIVE SPICE SLOW ROAST PORK BONES.

Happy-happy kaming pinagsaluhan ang mga buto-buto nang maluto. Pero wala nang mas hihigit pa yata sa pagiging happy sa naging share nya kundi si Sang!

More bones more happiness para kay Sang. Pati yung mga tira namin na mga buto, kanya na rin! Hehe! Parang bumebertdey lang ang tsura ng dog namin sa tuwa. 😀

 DSC06913_2

DSC06915_2

Again, pinakagusto ko sa paggamit ng slow cooker ay yung ilalagay mo lang lahat ng sangkap ng sabay-sabay.

 DSC06916_2 

Takpan at iwanan lang ng hindi na kinakailangan na bantayan o halu-haluin pa. Pwede ka ng pa petiks-petiks lang na hindi inaalala ang niluluto.

DSC06917_2

Matapos ang saktong bilang ng oras ng pagluluto, ayan, reding-redi na ang ulam at talagang nakakagigil ang lambot ng karne.

FIVE SPICE SLOW ROAST PORK BONES

  • 1/2 kilo Pork Bones with little meat
  • 1 Tbsps Five Spice Powder
  • 2 Tbsps Soy Sauce
  • 2 Tbsps Brown Sugar
  • 2 Tbsps Tomato Sauce
  • 1 whole bulb Garlic
  • 1 pc Lemon, juiced (or kalamansi)
  • 1 tsps Pepper
  • Salt to taste

Marinade the pork bones with all the ingredients. Put pork bones in slow cooker and cover the top tightly. Slow cook on High for 4 hours or until very tender.

 

oOo

“Hindi lang naman siya ang namimiss ko, nami-miss ko kung ano yung dating kami.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *