Mon Favori Porc et Haricots

“Mon favori porc et haricots!”

Uy, ang sushal ko na! I’m learning and spokening French today! 😛 (Tenkyu bespren Google) Hehe!

Sa wikang sariling atin, ang ibig sabihin nyan ay. . .

“Ang Paborito Kong Pork and Beans.”

porkbeans

Maalala ko noong batang gusgusin pa aketch…ang sarap lang pag nagkakasakit. Kasi pag maysakit kahit lagnat-laki lang, eh laging may Hunt’s Pork and Beans, Sky Flakes at Royal Tru-Orange na pinapabili si Ina para sa bagets nyang may sakit. Espesyal na yun para sa amin noong araw…noong mga 1930’s. (Oo, reincarnation na lang ‘tong si Mamaru)

Kalokah! Nakakainom lang kami dati ng Royal Tru-Orange noon pag maysakit. At pag may Hunt’s Pork and Beans, pakiramdam ko, parang bertdey ko na rin noon.

Nakaka-imbyerna lang sa de-latang Pork and Beans, iisang PORK lang talaga ang makikita mong laman ng lata! Iisang piraso na kalahati ay taba at kalahati ay laman. Bitin! Hindi ko talaga maintindihan kung bakit iisa lang lagi ang laman. Kapiranggot pa.

Kaya naman, pag kumakain ako ng Pork and Beans noon, inuuna ko muna ubusin ang mga beans at tsaka ko na kakainin ang pork. Save the best for last bagah. 😀

homemade pork and beans

Kahapon, por da pers taym, nagluto ako ng Homemade Pork and Beans!

At matigok na ang sinungaling, dahil para sa akin mas masarap pa ‘to kesa dun sa kinalakihan kong Hunt’s Pork and Beans! At ang daminnnnnggg PORK!!!  Ang daminnnnnnggg KARNE!!! Hindi ka na babalik sa de-lata pag na-try mo ‘to.

Medyo kelangan nga lang ng maraming time pag magluto ka nito kasi yung white beans ko ay 12 hours kong binabad muna sa tubig at overnight kong pinalambot muna sa slow cooker.

Well, quever naman kung may katagalan bago maluto, oks lang yun tutal mayaman naman ako sa TIME! Lalo na pag para sa pamilya ko, marami po akong GOLD. Di ba sabi nga nila…TIME is GOLD? Charot!

Heniweys, kinain ng mga bagets ko ang niluto kong Pork and Beans na ganito lang. Walang kanin kanin at tina-tinapay. Ako naman, with matching garlic toasted bread ang pag-lafur ko nito. 😛

HOMEMADE PORK AND BEANS

Ingredients:

  • ½ kilo white beans
  • 2 tablespoon  oil
  • 3 cloves garlic, minced
  • 1 medium sized onion, chopped finely
  • ½ kilo pork belly or liempo, sliced ½” thick
  • teaspoons soy sauce
  • 1 ½ to 2 cups water
  • ½ cup tomato catsup
  • 1 ½ teaspoons salt
  • 3 tablespoons sugar
  • 2 tablespoons cornstarch, dispersed in 1 tablespoon water

Procedure:

  1. Soak the beans in enough water overnight. Drain and rinse.
  2. In a saucepan, heat oil then sauté garlic and onions.
  3. Add sliced pork and cook until brown.
  4. Add soy sauce and water.
  5. Add the beans and cook covered until tender. (You can also do this in a slow cooker or pressure cooker.)
  6. Add catsup, salt, and sugar. Stir carefully to prevent beans from getting mashed.
  7. Thicken sauce with dispersed cornstarch.
  8. Cook 1 minute more.

Bon Appetit! 😀

 

oOo

“Wag na tayong pumasok sa isang relasyon na para lang nakikiuso.”

4 thoughts on “Mon Favori Porc et Haricots

  1. kaya nga cguro pork and beans ang tawag mamaru.. hindi porks and beans! hehe

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @Younique: May TAMA ka! Di ko yan naisip a. Hehe! Next time, ita-try ko magluto ng Porks and Bean, yung iisa lang talaga ang bean.

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *