Thank You, Ladies!

Wala man  akong jowa o fafa na pwedeng magbigay sa akin ng compliments para pagandahin ng bonggels ang araw ko…may avid blog readers/bagong FB buddies naman akong alam na alam kung paano ako pangitiin ng abot hanggang tenga sa simpleng paraan na alam nila! πŸ˜€

Bear me, hindi ko pwedeng palagpasin ‘to, at mas lalong hindi ako nagdadalawang isip na bigyan ng espasyo ang mga ganitong MENSAHE sa akin tungkol sa blog ko.

Kahit naman sinong blogger, siguro tagumpay na maituturing ang malaman na kinatutuwaan, kinaaaliwan at kahit papano ay may nakukuhang kabuluhan ang mga blog post nila. Lalo na pag binabalik-balikan sa pagbisita. πŸ˜› (‘O baka ako lang ang may interpretasyon na ganitey o baka sadyang mababaw lang ako.)

Ayoko na pahabain pa ang mga chuchuchuchu ko, MASAYA lang talaga ako sa mga appreciation ng mga readers kong gaya nina CRISTINA at PRINCESS.

Aliw ako! FYI, kasalukuyang lapot na lapot at nababalutan ng kolesterol ang buong PUSO ko sa mga sinabi nyo.

6-27-2012 7-57-39 PM

6-27-2012 7-54-41 PM

Ladies, THANK YOU so much!

 

 

oOo

“As you start and end your day, say "Thank you" for every little things in your life. And you will come to realize how blessed you truly are.”

2 thoughts on “Thank You, Ladies!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.