Na-Miss Ko ‘To

Na-miss ko ang gumawa neto. Mahal na mahal ko ang produktong ‘to kasi eto ang bumuhay sa amin na mag-nanay noon. Dito sa Homemade Polvoron ko nairaos at napag-aral ang mga anakis ko mula noong elementary.

Siempre dumating din ang panahon na napagod ako at tumigil.

Lately eh may umorder sa akin na friendlalu ko ng Polvoron at Golden Macaroons. Hindi ko naman mahindian na gawan kasi dadalhin daw nya pabalik ng abroad. πŸ˜€

Heniweys, iba’t ibang flavor ng polvoron ang ginagawa ko pero eto ang gusto ni prendship ko. Polvoron with chocolate chips!

polvoron1

Sa paggawa ng polvoron, halos pare-pareho lang naman ang paraan at measurement ng ingredients. Flour, sugar, powdered milk and shortening lang ang main ingredients.

polvoron5

Ang masasabi ko lang, napapaiba lang ang sarap ng polvoron depende lang talaga sa ginamit na klase at brand ng powdered milk.

I use Dairy Bake brand ng powdered buttermilk. At tsaka dapat maayos ang pagto-toast ng flour. Dapat ingatan na wag masunog habang tino-toast para hindi mapait at siguraduhin na hindi hilaw ang flour para hindi magpororot ang kakain.:D

polvoron2

Iba ang shape ng moulder at packaging ng polvoron ko NOON. Bilog ang moulder at mas malalaki ang sizes. Ngayon, iniba ko na at niliitan ang size.

polvoron3

At ibang klase rin ang wrapper ko noon, glassine paper ang gamit ko. Dis taym water cellophane na ang prefer ko. 

polvoron4

Masarap ang polvoron i-stock sa ref dahil habang tumatagal mas lalong sumasarap. Sarap balik-balikan. Matagal ang shelf life, mga 3 months basta nasa ref lang.

polvoron1-001

Dati, I sell this in 12’s (in a box) kasi malalaki siya. Now, I sell this in 50’s. (50 pieces in a pack). At sa murang halaga lang ang pricing ko.

Polvoron

Oorder din ba kayo? πŸ˜›

 

oOo

“Wag mong pagpilitan ang taong ayaw sa ‘yo. Pag yan pumayag at napilitan, ikaw din ang masasaktan.”

29 thoughts on “Na-Miss Ko ‘To

  1. Hi,Ms. Maru. Your polvoron looks yummmyyy! Mahilig din po ako sa polvoron! Pwede ho ba talaga mag-order? I’m based here in Cagayan North, sa kabilang dulo ng Pilipinas, hehehe… How much po per order plus freight cost? Thanks! Have a great day!

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @Gina: Ateng, seryoso ka? Oorder ka talaga ng polvoron ko kahit na nasa magkabilang dulo tayo? Hehe! Oo ba, Napakamura nga ng polvoron ko since dito ko lang naman ginagawa sa bahay eh hindi na ako masyado nagpapatubo. I sell it at P300/pack at ang laman ay 50 pieces. Hindi ko lang alam kung magkano ang babayaran ko sa freight papuntang Norte kasi hindi ko pa natitimbang kung ilang kilo aabutin ang 50 pieces of polvoron.
    Let me know kung aprub ka sa selling price ka at kung ilan. Magtatanong-tanong na rin ako dito kung magkano ang freight charges. Pag iisipan ko rin kung anong box ang paglalagyan ko ng mga goodies at baka naman dumating sayo diyan ay talagang POLVORON na POLVORON literally.
    Hope to hear from u soon. God bless, Gina.

    [Reply]

  2. Can I order hulmahan..hehehehe…marunong akong gumawa nyan eh..yan din mga negosyo (lol kala mo ang dami) noon sa Cebu…na miss man sad nako na ug himo..haaayyyzzz.. kalami:)

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @Rhea: Pag uli nimo dire, orderi ko langga ha? Daghana ha? Lol! Pakapinan tika siempre.

    [Reply]

  3. nkakainspire nman magluto, ang sasarap tingnan lalo na siguro kapag natikman….heheh….try ko nga to sa weekends….

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @Emelyn: Yeah, try it. Try mo rin i-negosyo kung may tiyaga ka.

    [Reply]

  4. hi Mamu!!! Sarap talaga ng powers mo.

    may mga tanong lang ako mamu ha dahil gusto ko rin to gawin next week.

    – saan ba makakabili ng dairy bake?? taga CDO pala ako mamu!
    – anong shortening gamit mo??

    magkano ba benta mo nyan?? staka sa golden macaroons magkano ang 3 pieces?? baka magnegosyo na ako nito. poor na poor talaga ako ngayon.

    thanks Mamu! stay sexy!!!

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @Iamlonelytoes: Langga, kapitbayan pala tayo. Tungkol sa Dairy Bake…hindi ko talaga alam kung saan meron diyan sa CDO. Dito sa Iligan, I buy it here sa Lian Hong. Pero try mo magtanong sa mga baking supplies na tindahan. Kung wala naman…kahit anong brand na lang tutal pwede rin naman kahit anong powdered milk. Ang nagustuhan ko lang kasi sa Dairy Bake eh mabango sya at malasa. Imported sya from Australia.

    Shortening: Mixture of Buttercup at vegetable oil ang gamit ko.

    Selling Price (Polvoron): Sa ganitong shape and size na oblong, lumalabas na tig P6.00 each lang ang benta ko. Pero I sell it in a pack of 50’s.
    Selling Price (Macaroons): Tig P6.00 per pack (3’s) lang din ang benta ko. Mura lang talaga ang bigay ko kasi alam kong yung kumukuha sa akin eh binebenta din nila sa iba. So sa ganun presyo ko lang binibigay para may tubo naman sila.

    Try mo i-negosyo baka magustuhan mo at mapalaki. πŸ˜€

    [Reply]

  5. mag oorder din ako magkano ung 50 pcs
    .

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @Nick: Nasa Pilipinas ka lang ba? Yung mga andito lang kasi sa Pinas ang pwede ko bentahan kasi baka kung ipapadala ko pa sa abroad eh baka mas mahal pa ang freight charges na babayaran ko kesa dun sa halaga ng polvoron ko. Yari tayo nyan! πŸ˜€ Nway, tig P300 lang naman ang benta ko sa polvoron….50 pieces ang laman.

    [Reply]

  6. magkano po ba pag umorder?? hehe.. mukhang masarap yan ah!

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @Joanne: Naku dai, mura lang. P300 lang ang 50 pieces. Hahaha! Ilang libo ba ang oorderin mo? Charot!

    [Reply]

  7. Hi po! Ms. Mamaru, lagi po akong nakaabang sa mga post mo nabasa ko na po lahat simula first post nyo. Nakikita ko po yung laging paggawa ng polvoron at ngyon lang kayo ng post ng main ingrediets.

    ask ko lang po kung saan kayo bumili ng dairy bake, sana po may makita ako dito sa manila nyan. gusto ko pong mag business nyan dito sa office namin.

    hoping po for your response.

    Salamat at more power kahit hindi po kayo taga Meralco. πŸ™‚

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @Elsa: Ateng, tenkyu! Uy, magandand bisnis din ang polvoron sa office noh. Kahit papano pag tumubo ka eh may pang sine na rin na magagamit kahit every weekend ka pa manood.

    Yung Dairy Bake, hindi ko talaga alam kung saan mabibili diyan kasi naalala ko nung nandiyan ako sa Manila…may umorder sa akin ng polvoron at hirap na hirap ako humanap ng Dairy Bake. Pero kahit anong brand na lang ng powdered milk ang gamitin mo kung walang Dairy Bake na brand. Punta ka sa mga tindahan sa palengke na nagbebenta ng mga supplies para sa bakery. Wag ka maghanap sa Mall o mga supermarket dahil mamumuti na lang ang mga mata mo..wala ka mabibili dun na by kilo. Tsaka mas mura sa palengke ang flour, sugar at iba pang ingredients.

    Goodluck at message mo lang ako ulit dito kung may iba ka pang katanungan. πŸ˜€

    [Reply]

  8. 10,000 pieces nga po! πŸ™‚

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @Zaizai: Tamang-tama, pag naihulma ko ang lahat ng yan, naibalot at nai-deliver, may pambili na ako ng ataul ko. Mamamatay yata ako sa tinding pagod. πŸ˜€

    [Reply]

  9. uuwi tita ko sa pilipinas at dadalhin nia dito pabalik kaya gusto kong mag order magkano charge sa shipping kung mag oorder ako ng 200 pcs para matikman ko ang polvorn ni mamaru

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @Nick: Sigurado kang 200 pcs? Baka naman umangal na ang tita mo nyan at mauubos mo na ang allowed baggage allowance nya. Paalala, mabigat ang polvoron noh. Pero siempre eh problema mo na yun. Hehe! Email me at thessalonica115@gmail.com kung gusto mo talaga. Tell me kung kelan mo kelangan.

    [Reply]

  10. Okay,Ms. Maru. Pwede mag-order ng 100 pcs.? I think mura freight cost ng JRS or 2GO. Let me know po pag may idea ka na sa freight cost and kung paano ko ipadala ang total payment. Thanks! God bless, too. πŸ™‚

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @Gina: Email kita pag nagawa ko na. Malamang next week magiging ready na ang lahat at kunin ko na lang ang mailing address mo next week na rin. Tenkyu din sau.

    [Reply]

  11. Mamaru ang lakas talaga ng search engine mo. naghahanap ako ng mga jokes dito ako napunta sa blog mo. isa po akong OFW at andito ngayon sa Qatar, although totoong lalaki ako, hilig ko magluto ng kahit ano sa bahay namin kung saan kasama ko mga filipino rin. naisip ko ang mahiwagang polvoron mo mukhang masarap sya dahil sa chocolate na ingredients siguradong patok sya sa mga bata. naisp ko lang baka pwedeng maging business dito sa Qatar kasi may polvoron dito galing pa dyan sa pinas as usual yong pinakasikat na brand dyan (goldilocks)iniimport na papunta rito na ubod naman ng mahal. balak ko subukan ang ingredients mo kapag nag click may balato ka sa akin hehehe.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @Dohastringer: Parekoy, maganda yang binabalak mo. Lalo na dun sa parteng “may balato ka sa akin”. Sana nga ay pumatok. Ewan ko nga lang kung kakayanin mo ang pagmo-mold kasi medyo ma-trabaho din ang paggawa ng polvoron. Kelangan talaga may tiyaga ka. Heniweys, subukan mo pa rin at malay mo naman baka mas malaki pa ang kitain mo dyan sa paggawa ng polvoron kesa sinasahod mo. Chos! Basta ang importante eh wag mong kakalimutan ang pramis mo sa akin ha? πŸ˜›

    Alam mo, bilib talaga ako sa mga lalaking marurunong magluto. Kunsabagay ang mga pinakamahusay na mga chef sa mundo talaga eh mga guys. Goodluck, parekoy! All the best! Thank you nga pala sa comment mo.

    [Reply]

  12. Salamat sa inspiring words Mamaru.Hayaan mo pag ready na ako sa Project Polvoron inform agad kita. for the meantime maghahanap muna ako ng ingredients like yong powder milk may nakapagsabi sa akin na masarap daw ang Nido kasi malasa nasubukan mo na ba yon? mag try muna ako ng kunti para masubukan ko ang tamang ratio para sa ingredients at makita ko kung paano ang tamang presyo ang peso now against Qatar Riyal is 11.40 Pesos. Meron din mga ilang brand ng polvoron dito galing dyan sa pinas pero di sila kasing sarap ng nabanggit kong brand.

    Sa pagmold naman, marami kami rito sa bahay na puro pinoy kasu umupa kami ng isang bahay at pagkatapos ng maghapong trabaho nakaupo na lang sa harap ng kanilang computer para mag FB tatakutin ko sila na maha highblod lang sila kapag di sila gumalaw hehehe.Tama Mamaru wala namang masama kung susubukan, ang daming mga kababayan dito na nagtatrabaho sa opisina bawat isang kompanya kakausap lang ako na gusto magkaroon ng sideline sa pamamagitan ng pagbebenta ng polvoron sa dami ng pinoy dito na umaabot sa 250,000 isang libo lang ang bumili ng polvoron araw araw palagay ko matutupad na ang pangako ko sa na balato sana dumating yong time na nasa western union ako para ipadala ang balato ko sayo heheeh.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @dohastringer: Goodluck! Message mo ko kung may iba ka pang katanungan at kung sa tingin mo ay may maitutulong ako.
    Basta, abang-abang na lang ako sa Western Union someday. Hehe!

    [Reply]

    manueldescorpiondohastringerNo Gravatar Reply:

    Sure yon Mamaru kahapon buy na ako ng all purpose flour and powdered milk I make hanap ng pang mold meron ako nakita na bilog pero maliit gusto ko yong size ng katulad sayo na oval unti unti mabubuo ko na at pag pasado na sa lasa mag pa taste test ako sa mga kasamahan kong timawa na magaling lumasa ng pagkain pag libre hehehe. regards to you mamaru at sana wag kang magsasawa na sumagot sa message ko. πŸ™‚

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Natawa naman ako sa wento mo. Sige, tuloy tuloy mo lang yan at mag aabang ako ulit sa update mo. πŸ˜€

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *