Kwik Tip 02: Dinikdik Na Bawang

Ganito ang madalas na ginagawa ko para kahit papano ay makatipid ng oras sa paghihiwa-hiwa sa isa sa mga basic spice ingredients sa paggigisa.

garlic

Ugali ko ang bumili ng maramihan na bawang dahil mas nakakatipid ako sa presyo pag maramihan. Tsaka ay lab bawang so mats!

garlic2

Nakasanayan ko ng pagtiyagaan ang balatan lahat ng mga bawang isa-isa para minsanan lang ang trabaho kako.

peeled garlic

Sa tulong ng pinakamamahal kong Garlic Presser, isa-isa ko silang iniipit hanggang sa lumabas silang durog-durog na hindi kinakailangan mangamoy bawang pa ang mga daliri ko.

Impernes, napapagaan ng kitchen tool na itey ang layp ko.

garlic presser

Habang nag dudurog ako ng mga bawang, naka-ready na rin ang mantika kong naka baso.

pressed garlic

Mas OK talaga pag may Garlic Presser dahil mas pino ang pagkadikdik/durog ng bawang. As in labas din talaga ang katas. Kaya buy kayo ng Gralic Presser, mga ateng!

pressed garlic in oil

Pagkatapos madurog ang mga bawang, tsaka ko ilalagay lahat sa isang lalagyan na may mantika. Siempre kelangan may takip yung container.

Ang oil na pinagbabaran ng bawang na rin ang madalas kong gamitin sa paggigisa ko. Kaya nagiging bawang-flavored na rin ang oil ko. 😀

garlic in oil

Kitams! Lesser hassle na sa pagluluto. Makaka-save ka talaga ng time at naka-menos ka na sa abala pa sa pagbabalat at pagdidikdik ng bawang tuwing magluluto dahil nakatambay na at ready-to-use na itey anytime. Kukutsarahin mo na lang depende sa gusto mong dami.

Ideal ang ganitong preparation lalo na pag mahilig kang mag fried rice.

Ang saya lang kasi nakakatipid ako sa oras sa pagluluto kaya napaparami din ang oras ko para magbasa ng mga showbiz chismis online at siempre manood ng porn. Charot!

 

 

oOo

Ang tunay na MAGANDA ay yung mga taong hindi masyadong tumitingin sa salamin.

2 thoughts on “Kwik Tip 02: Dinikdik Na Bawang

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *