Kwik Tip 03: Squeezed Kalamansi

Ang presyo talaga ng mga bilihin sa palengke ay parang weder-weder lang. Minsan mura, minsan mahal.

Gaya na lang ng KALAMANSI. Pag hindi season…andun yung pi-presyuhan ka ng P5.00 bawat piraso. Yes ateng, five petot per piece! Kalurkey! Sa loob-loob ko, “Punyeta! Isaksak mo ang kalamansi mong yan sa baga mo hanggang sa mabulok sa organ mo”  Sabay talikod sa tindera. Lol!

Minsan naman, andun naman yung bumabaha ang kalamansi sa palengke. Super mura! Imagine, P1.00 for 1000 pieces? Siempre charot lang yan, nag i-exaj lang ako. 😀

Hindi nga, minsan mga P5.00 lang ang tumpok/pakete ng kalamansi eh more or less mga 40 pieces na ang laman.

sliced kalamansi

Pag ganito kadami ang kalamansi nabibili ko, since hindi ko naman magagamit lahat ng agad-agad, dali-dali ko na silang pinipiga lahat. Maiksi lang naman kasi ang shelf life ng kalamansi. Nabubulok agad kahit nasa loob pa sila ng ref. Sayang naman pag di napakinabangan.

squeezing kalamansi

Pinagtitiyagaan kong i-squeeze sila lahat at nilalagay sa bote, then balik sa ref.

squeezed kalamansi

Para kung may paggagamitan man ako sa mga lutuin ko na kelangan ang katas ko kalamansi juice, eh naka-ready na. 😀

 

 

oOo

“Ang taong malakas ang loob makipaghiwalay, malamang may reserbang naka-antay.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *