Kwik Tip 04: Spring Onions

Gusto mo bang mapakinabangan ulit ang Spring Onions mo ng 2-3 beses pa?

DSC07383

Madalas ay yung dahon lang nya talaga ang ginagamit natin para sa mga lutuing may sabaw at salad (ako madalas gumamit ng Spring Onions pang-garnish) tapos, tapon na yung parteng may mga roots.

Uy! Mula ngayon kung pwede ay huwag nyo muna i-deretso agad sa basurahan ang parte na may mga roots pa kasi mapapakinabangan pa yan, mga ateng!

Madali lang matuyo o manguluntoy ang sibuyas dahon kahit na nasa loob lang ng ref kaya hindi advisable na mag-stock ng marami. Pero may solusyon na ako ngayon para lagi akong meron abelabol na Spring Onions lalo na sa para fried rice ko. 😀

Ganito na ang ginagawa ko ngayon

DSC07384_2

TinuTULI ko sya! (watta term!)

DSC07385_2

Hindi naman kelangan na itanim ulit siya sa lupa. Pwede kasi na yung parteng may roots ay ilagay lang sa isang baso na may tubig gaya ng ginawa ko sa piktyur.

DSC07393_2

Tapos, inilalagay ko ang baso sa may bintana ng lababo ko kung saan tuwing umaga ay nasisikatan siya ng araw. Araw-araw ay nasa harap ko lang sya tuwing nasa lababo ako ng kusina ko.

DSC07397_2

Pagkatapos lang ng 2 or more daysayan, mapapansin na humahaba na ang buhay, may tumutubo ulit at nagkakaroon ng extension ang mga dahon.

DSC07404_2

O ha! Syet! Humahaba na talaga sya!

Kaya pag kelangan ko ng pang-garnish sa mga lutuin kosa may bintana ko na lang ako pumuputol ng 2-3 spring onion leaves. 😀

 

 

oOo

Kapag nagmahal ka ng palihim, ihanda ang sariling masaktan din ng palihim.

3 thoughts on “Kwik Tip 04: Spring Onions

  1. wow. simple life lesson. pero malaking bagay yan.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @Olivr: Hello! Onga, malaking bagay talaga ang ganito sa amin…lalo na sa pagkakasya ng budget para sa mga bilihin sa bahay. 😀

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *