EsttoRi Boc

Graveeh! Parang kapipikit ko lang yata ng mga mata ko para matulog noong July 31, tapos ngayon pagdilat ko, August 6 na agad? Tsk! Parang naka-Fast Forward lang ang mga araw ngayon.

Hays…paulit-ulit ko na lang yata sinasabi na ang bilis ng mga araw ngayon. As in hindi maubos-ubos ang gulat ko. Eh, totoo naman kasi.

Ang mga araw, parang mga uban ko lang sila sa buhok ko. Parang may karera ang mga linsyak na uban sa pag-uunahan paglabas para ipagsigawan sa world na isa na akong tandercat! Putana!

Buti na lang talaga bago pa man sumulpot noon ang  mga grey hair ko, ay maaga na ako nakapag-retire mula sa corporate world. Charot! Maaga akong nakapag-kuyakoy sa buhay.

Hindi nga. Buti na lang, kinder pa lang si Keziah ko noon ng mag decide ako na tumigil mamasukan bilang pribadong empleyado at nagpaka-fulltime na lang aketch as kasambahay slash julalay slash muchacha slash alila ng mga bagets ko. Gradweyt nga pala ang Mamaru ng Accounting.

FYI, ni minsan hindi ako nagsisi na maaga akong tumigil sa pagta-trabaho sa mga upisina. Etong buhay ko ngayon kasi ang pini-piktyur ko sa sarili ko kahit noon pa. Kako, paglaki ko gusto ko maging young, fresh and delicious stay-at-home homemaker. Syet! Hihi! At pursigido akong i-pursue ang gusto ko sa buhay. Kako. magka-mister man o wala, kever! Gusto ko nasa bahay lang ako. Para sa akin, bahay ko, paraiso ko. Ako ang hari/reyna ditey!

Heniweys, nostalgic ng slight ang mood ko ngayon dahil sa nakita kong pirasong papel na ‘to habang nag-aayos ng mga gamit ng anakis ko.

Kaya nasabi kong it’s so bilis the days now kasi parang kelan lang eh nag-uumpisa matuto si Keziah ko mag sulat. Parang kailan lang ay excited much si doter at halos lahat ng mga gamit nya ay sinusulatan ng name nya. Ngayon kasi ay college na sya.

DSC02460_thumb[2][1]

Galing ‘to sa first Bible Story Book ni Keziah.

Nangingiti ako lagi pag nababasa ko ‘tong “EsttoRi Boc” nya. Pati name nya eh wrong spelling! Kesiah imbes na Keziah. K-2 lang sya neto noon.

At nang tumuntong sya sa Grade School, siempre dahil sa nag-level up na si unica hija ko, pero binalikan at sinulatan nya ulit ang esttori boc nya. Impernes, yung TAMA na!

DSC02457_thumb1

Pinamigay ko na ang Bible Esttori Boc ng anak ko para naman mapakinabangan din ng iba. Pero bago ko binigay, pinilas ko muna ang page na ‘to. 😀

 

oOo

“Find a woman who makes you feel more alive. She won’t make life perfect but she’ll make it infinitely more interesting.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *