Sirenang Aso

Minsan may mga gabi na sa living area namin ako natutulog pag may pinagpupuyatan akong pinapanood sa cable TV.

At siempre, em not alone. May partner ako sa panonood ko.

Kasama ko ang pinaka-LOYAL at pinaka-FAITHFUL na yata na creature sa buhay ko ngayon.

Si SANG!

Labs na labs ako ng dog kong to. Iniiyakan ako neto tuwing umaalis ako ng bahay. Paglabas ko pa lang ng gate, kahit hihingi lang ako ng malunggay sa nebor namin, umaalulong to death na tong doggie ko at gusto eh kasama sya lagi. Ang OA nga eh. Pero walang halong biro, parang bata ang arte neto.

Kahit saan parte ng bahay ako matulog, asahan mo andun din sya sa tapat ko pupwesto din.

Kanina lang, pagdilat ng mga mata ko…siya agad ang nakita ko sa tapat ng sofa na hinihigaan ko. Himbing na himbing ang lekat.

DSC07480_2

Hindi na muna ako bumangon at baka magising ang bebeko. Nangingiti na naaawa ako sa porma nya.

DSC07483

Wala na akong makitang medyo malaking basket na pwede nya gawing kama. Tsk! Kawawa naman at pinagkakasya nya buong katawan nya. Binabaluktot na lang nya pati buntot. Hihi!

DSC07481_2

Tuloy, para siyang sirenang aso dito sa chura nya. 😀

 

oOo

“My dog thinks I’m the most wonderful person in the world. Who am I to argue?”

8 thoughts on “Sirenang Aso

  1. Bagong kasabihan——“Pag maliit ang higaan, magmumukha kang sirena.” pede?

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @bay-a-wak: Hmp! You are shattering my trip. EH mukang sirena kasi sya dito sa mga pics dahil na rin sa mga buntot nya. Hmmmn…pero baka sa tingin ko lang. Alam mo naman ako,medyo dulingers din. At iisang mata ko pa lang kasi ang dilat nang kinunan ko sya.

    [Reply]

  2. Moral lesson:
    “Wag titingin sa isang bagay o tao na pikit ang isang mata: magmumukha itong sirena.” pede?

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @bay-a-wak: Leches! Wag mo ko asarin, Mr. Siyokoy at baka hindi kita matantiya! Baka makaliskisan kita ng buhay na dilat na dilat ang mga mata ko! Pede?

    [Reply]

  3. sensya na…di na mauulit

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @bay-a-wak: Sus! Ang arte! Iba na talaga ang mga unreachable. Ibang-iba ka na talaga.
    La yun, naglalambing lang po.
    Nagpapasalamat nga ako at pinag-aksayahan mo ng pansin kahit sandali ang abang blog ko na itey at binigyan mo rin ng oras para asarin ako.
    Eh sino ba naman ako para sa isang hinahangaan na kagaya mo.
    Maraming salamat po.
    Mabuhay ka, IDOL!

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *