Homemade Munchkins

I just did this today.

Homemade Munchkins or Choco Balls.

Gusto kong  i-share ‘to sa mga readers kong may mga makukulit na tsikiting dahil sure akong magugustuhan nila ‘to. O kaya para na rin dun sa mga SINGLEs diyan na ang hobby ay lumafang.

Heto ang Homemade Munchkins/Choco Balls para sa inyo, mga ateng!

Gawa kayo nitey. Super-dali lang at wala ng bake-bake chenelyn pa.

homemade munchkins-001

homemade munchkins

You’ll need:

  • 10 packs of Ace biscuits (or Graham)
  • 1 can condensed milk.

Method:

  1. Crush the biscuits, add condensed milk and then mix.
  2. Create to any shape of your choice.
  3. Dip in desiccated coconut.
  4. Chill and serve.

 homemade munchkins-002

homemade munchkins-003

homemade munchkins-004

homemade munchkins-005

Aktwali, pwede rin nyo ‘to ibenta kung trip nyo. Bahala na lang kayo sa packaging at costing. 😀

 

 

oOo

"Hindi baleng SINGLE, busog naman."

21 thoughts on “Homemade Munchkins

  1. naku mamaru, wala kamin ace biscuits o graham dito, ano kayang pwedeng susbtitute? pwede ba yung crushed finger biscuits, amarettini o kaya naman whole wheat biscuits kaya? bilis, tulo laway ko dyan sa pechurs ng munchkins mo!

    MARUNo Gravatar Reply:

    Mamikeng, kahit anong chocolate crackers o plain biscuits pwede yan! Try mo. Sure ako na magugustuhan yan ng mga girls mo. Mas mabuti kung ipapagawa mo rin sa kanila. 😀

  2. hi! mamaru! d first tym i saw ur page…sobrang ng-enjoy ako and until now lagi ko n chinecheck ang blog mo…love ko mg luto pro ung mga simple lng at madali hanapin ang ingredients…nagawa ko na last nyt ang choco balls, i used graham wala kc akung makitang ace…ginawa ko to with may daughter, super ng enjoy sya…at lalo na sa pagkain!!! actually isa lng ang natikman ko…=( my niece, nephew at ang daughter ko umubos lhat! and dis weekend gagawa ulit ako…=) thank u so much for d info! God bless mamaru…=)

    MARUNo Gravatar Reply:

    @Icebox: Talaga? Graham gamit mo? Musta naman daw ang taste? Kasi yung Ace…masarap talaga. Bah! At may repeat performance ka pala ng munchkins mo dis weekend.

    Ateng, may suggestion ako. Ganito gawin mo. Bili ka lang ng ingredients and then just let your daughter do it. Kunyari supervisor ka lang na magtse-check ng trabaho nya. Para naman maging starter yan kay daughter mo na magkahilig sa pagluluto. Watdoyutink? I’m sure kayang-kaya yan ng doter mo o kaya ng mga pamangkin mo dahil hindi naman mabusisi ang method. Magkamali man sila…makakakain pa rin nila yun. 😀

    Thank you sa comment mo ha? Tsaka sa pagsubaybay na rin 😀

  3. hi! mamaru…yes! yummy din ang graham, gsto ko nga din matry ung ace kya lng wala akung makita s groceries…s SM and Shopwise…pro try ko din mghanap s iba…gagawa ulit kmi dis coming weekend, and gagawin ko ang advice mo, c chianne my daughter na ang pagagawain ko…super enjoy sya s pagtulong s akin every time na may lulutuin ako…tanx mamaru s advice…=)

  4. Hi! 🙂 Perstym ko dito. I used to make munchkins and I sell it sa canteen ng school. 🙂 Ngayong malapit na ang pasukan, gusto ko ulit gumawa para may extra income. Tanong ko lang Mamaru, ok lang ba if Angel evap yung gamitin ko? Nabigla kasi ako sa condensed eh. Feel ko lang po sobrang sticky yun and mahirap e shape. Pero di ko pa siya talaga na try. I use grahams nga pala kasi mahal yung ace. hihi :p

    MARUNo Gravatar Reply:

    Hello Mefenamic! Hindi ko pa nasubukan ang gumamit ng evap milk kaya di ko masasabi na pwedeng i-substitute yun sa condensed milk na hinihingi sa recipe ng munchkins.
    Kung ako sau, sundin mo na lang ang recipe kasi pag evap ang gagamitin mo kasi baka magsisi ka lang. Hehe! Eh kasi pag evap, baka kelangan mo pa ang magdagdag din ng sugar as sweetener…tsaka yung pagiging sticky ng condensed, yun kasi bale ang binder ng munchkins para maging ball shape. Baka kasi pag evap eh maging dry sya at maging durog-durog lang ang munchkins after ilang oras. 😀 Tsaka Madaling mapanis din ang evap.
    Ano ba dati gamit mo noong nagbebenta ka sa canteen?

  5. Hi! Gusto ko lang itanong sayo kung na-try mo nang gawing munchkins yung isang flavor ng Ace Biscuits? Gumagawa din kasi ako ng munchkins even before ko pa mabasa tong post mo. Eh walang Ace Biscuits sa mga supermarkets dito sa Laguna or Manila kaya nagpapabili pa ako sa friend ko sa Pangasinan or kaya bulk order naman gagawin ko sa Rebisco! Hehehe! Eh baka kasi umorder ako nung vanilla na Ace tas di naman masarap, masayang lang.
    Hope to hear from you soon! Thanks!

  6. hi po Ms. mamaru nakakatakam naman po ng mga niluluto nyo kahit na sa picture ko lang po nakita masasarap po lahat..ask ko lang po sana kung gaano po karami yong condensed na ilalagay gusto ko po kasi sya subukan gawin tapos ibebenta ko po..salamat po 🙂

    MARUNo Gravatar Reply:

    @sarah, hello dear. Isang lata ng condensed milk ang nilagay ko sa paggawa ng munchkins. 😀 Thank u for reading my blog.

  7. Hi ate..napunta ako dito sa blog mo accidentally while looking for this recipe kasi nga nag’request yung mother ko..and I find myself hooked sa pagbabasa ng articles mo. Medyo nakakarelate kasi ako sa’yo, mahilig din ako gumawa ng kung an0-ano and I’m also a single mom of 2 angels. I am actually secretly wishing na lumaki din sila gaya ng mga anak mo. God bless!

    MARUNo Gravatar Reply:

    @Bhe Anne, Wow! Ano pa ba masasabi ko kundi ang magpasalamat na lang sa pagbibigay mo ng oras para basahin ang mga entries ko. Sana di ka magsawa. Again….MARAMING SALAMAT!

  8. Helllo po maam :)) mas lalo po aqng naencourage na magbenta ng mga pagkain ng makita q po ung mga post nio :))) pwede nio po ba akong tulungan? Anu po ba ung mga recipe na maliit lng ang puhunan pero malaki ang kita 🙂 magbebenta po sana aq sa harap ng eskwelahan.. TIA

    MARUNo Gravatar Reply:

    @desiree may pio, hello! Hmmn…sa lahat ng nasubukan ko…yung paggawa ng polvoron ang medyo malaki ang margin of profit. Yung iba eh maliit lang. Try mo gumawa ng polvoron then maging creative na lang sa packaging at magdiskubre ng ibang bago na flavorings na pupwede. 😀

  9. hello! ngayon lang ako napunta dito sa site mo. it all started when i was searching for a no bake cheesecake. And your recipe is superb, i’m actually going to try it this coming christmas since my relatives are coming.
    In regards with this munchkin, ano po ba ung pedeng ilagay sa munchkin aside sa coconut? Gusto ko sana ung powder na nilalagay sa dunkin donuts 🙂
    hope you can answer

    MARUNo Gravatar Reply:

    @Mae, hello! Thank you for your comment. Try mo yung sprinkles na nilalagay sa mga cakes/cupcakes. Yung powdered sugar kasi eh baka madaling matunaw 😀

Comments are closed.