I Love You Sabado

Nood kami kanina ng movie na Hunger Games sa DVD dito lang  sa mansion namin.

Halatang bang “updated” kami sa mga movies?  😛 Aktwali, ako lang naman palagi ang napag-iiwanan sa panonood ng mga bagong movies.

Maalala ko, yung AVATAR nga, 1 year muna ang nakalipas bago ko napanood yun. Halos kupas na ang mga kulay ng napanood ko yun.  Echos!

Buti nga ‘tong Hunger Games mga ilang buwan pa lang ang nakakalipas muna ng i-release sa mga sinehan. Kumbaga, di pa masyadong panis.

Etong Hunger Games, hindi rin napanood ni Kevin sa sinehan pero matagal na niya nabasa sa book. Si Keziah naman, siya lang yata ang tapos na makapanood.

Heniweys, sinamahan pa rin nila ako nanood kanina. Gustong-gusto ko silang kasabay nanonood kasi pag may hindi ako naiintindihan na “english” o kaya mga eksena sa kanila ako nagtatanong. (Minsan SLOW si Mamaru eh)

 hungergames

Eto ang OK pag sa bahay lang nanonood. Pwesto kung pwesto! Kahit anong ayos mo eh OKs lang.

Sa umpisa, ganito pa ang ayos ng dalawang bagets ko.

hungergames-001

Maya-maya lang, ganito na sila. Si Lalaki, nakasampay na mga paa sa sofa. Si Babae naman (na naka-jammies pa) eh nakasandal na rin ang mga paa sa sofa.

hungergames-002

FEEL at HOME ‘ika nga! Pati electric fan ay itinaas na at itinutok talaga ni Kevintot sa may bumbunan nya para feel na feel ang buga ng hangin. ‘La sya pakels kung hindi kami naaanggihan ng hangin.

At tingnan nyo naman ‘tong dalawa. Naka-“holding hands” pa while watching. O ha! Sweeet noh?

hungergames-003

Aktwali, hindi yan ka-sweetan. Naririndi lang si Ziah sa kakulitan at walang humpay na paglalambing ng Kuya nya na gustong magpamasahe ng mga kamay nya. At para matigil, pinagbigyan na lang ni little sister.

hungergames-004

Balik tayo sa Hunger Games, hmmmn…GUSTO ko sya. Danda!

HAPPY LONG WEEKEND EVERYONE! 😀

oOo

“Sa panahon ngayon, ASO na lang ang nakakaintindi ng salitang STAY.”

One thought on “I Love You Sabado

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *