Sanlibo Challenge

City Fiesta ng Iligan City sa darating na Sabado, September 29, in honor of the miraculous patron saint – St. Michael the Archangel. Katoliko nga ako pero ni minsan hindi pa ako naki-join sa tradisyon ng paghahanda dito mismo sa sarili kong bahay tuwing fiesta.

Well, sa hirap ba naman ng buhay ngayon, bah! hindi biro ang gumastos at mag imbita ng mga tao para sa isang handaan. Bukod diyan, aminado rin akong hindi ako saradong-Katoliko sa pananampalataya ko. Hindi ako deboto ng kahit anong santo. Kaya hindi rin ako atat sa mga fiesta.

Heniweys, hindi ko naman sinasabing hindi  ako nakiki-fiesta. 😀 Amplastik ko naman kung sabihin kong hindi ko LIKE ang fiesta. Sino ba ang may ayaw, eh lafangan yan noh! Lol!

Haweber, iisang bahay lang naman ang pinupuntahan ko tuwing fiesta dito sa Iligan. Madalas sa bahay lang din ng oldest Ate ko.

Kanina, pinuntahan ako dito sa bahay ng isang pamangkin ko. Nakikisuyo kung pwede daw sila magpaluto sa akin ng Lasagna Rolls para sa Sabado. Yes naman agad ang sagot ng Mamaru at kako, give nya lang ako ng 500 petot pambili ng ingredients at ako na ang bahala. Inabutan ako ng one thousand petot. Kung pwede Buko Pandan salad na rin daw tutal may lupain na man daw ako ng buko. Charot!

Ang totoo, sobra-sobra ang sanlibo kung para sa ingredients lang ng Lasagna Rolls and Buko Pandan.  Siempre alangan naman mag-charge pa ako ng para sa labor ko eh kami-kami lang din naman ang kakain dun sa kanila!

Ang bilin sa akin, bahala na raw ako kung may gusto pa akong idagdag sa pinahahanda sa akin na pwedeng ipagkasya dito sa sanlibo. Basta ang importante ay may Lasagna Rolls at Buko Pandan Salad.

1k challenge

Kaya eto…nahaharap ako ngayon sa Sanlibo Challenge na itey. Kaya inumpisahan ko na agad ang gumawa ng kodigo ng mga bibilhin ko at magkwenta-kwenta para hindi ako magmintis. Ano pa kaya pwede kong idagdag dito na panghimagas?

Hmmmn…at may makukupit kaya ako sa Sanlibo na itey? Haha! Abangan!

 

 

oOo

"Wag nyo bilangin kung ilang beses kayo NAG-AWAY. Ang bilangin nyo ay kung ilang beses kayo SUMAYA noong KAYONG DALAWA ANG MAGKASAMA."

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *