Iba Pa Rin Ang Pasko

Mga ilang linggo na lang eh December na…at Pasko na naman! At gastos na namannnnn! Grrrr! Lech! 😀

Ngayon pa lang ay aligaga na naman ang nilalaman ng bungo ko sa kaiisip kung anong ka ek-ekan ang gagawin ko para magkaroon ng kahit papaano may festive mood ang hauslalu ko sa darating na Pasko.

As usual, ang hirap din mag-isip ng mga panibagong ideya ng mga dekorasyon na lalo na kung walang budget para mamili ng bago.

Hmmn,teka, hindi nyo ba napapansin mga avid readers ko, na tuwing darating ang Pasko ay lagi ko na lang sinasabi na wala akong budget? Hahaha! Totoo naman kasi. Wish ko lang na sana ay hindi kayo maumay sa pagiging Poorita Jones ko.

Heniweys, ang sabi kahapon sa episode ng Kris TV, uso daw ngayon ang vintage at rustic theme ng mga Christhmas decors.

Impernes, last year pa ako nagsimula ng rustic-rustican kong mga palamuti dito sa bahay. Plano kong ituloy pa rin ang ganitong theme. Buti na lang pala dahil kahit papano ay naitabi o naitago ko DIY xmas decors na nagawa ko last year. Magdadagdag na lang ako ng bago.

 

At etong mga Christmas wreaths ko nga pala ay hanggang ngayon ay buhay pa sila at pwedeng idekoreyt ulit. 😀

Mailalabas ko na ulit ang mga DIY xmas throw pillows na nagawa ko last year. Plano ko ang magtatahi na lang ng mga dagdag na cover kasi I have 8 throw pillows sa sofa ko.

Hays, may kaakibat man na gastos ang tuwing darating ang Pasko, kever!

We cannot deny na lahat tayo ay kahit papano ay nai-excite tuwing darating ang December. Sa lahat ng mga holidays o kaya okasyon, iba pa rin talaga ang dating ng Pasko, lalo na dito sa atin sa Pilipinas, di ba? 😀

oOo

“People change. Things go wrong. Shit happens. Life goes on.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *