Isang Rason Lang

ReasonForLove

Nahuli ko sarili ko na pangiti-ngiti lang mag-isa.

Pangiti-ngiti pa ako. Partida eh ihing-ihi na ako ngayon habang nagtatayp. Aktwali, hindi pa kasi ako makapasok sa CR at may tao pa.

.

.

Eto ang mga katanungan na pumasok sa isipan ko ngayon habang nangingiting nakaupo at naghihintay sa labas ng CR…

  • Bakit kaya ganun? Kahit anong ka-shitan at ka-lechehan ang pinagdaanan ko na halos "hands up" at bulagta na ako na sa dami ng frustrations at sama ng loob na nakukuha ko habang nagmamahal eh ayun, sige-sige pa rin at tuloy-tuloy pa rin ako sa pagmamahal ko?
  • Naitanong ko na rin ‘to sa sarili ko dati. Hindi kaya natural lang na may SALTIK lang talaga ako sa pag-iisip?
  • Na kahit walang hustisya na akong napapala ay parang balewala lang sa akin ang lahat at dapat cool pa rin ako?
  • Inborn kaya sa akin ang pagiging TANGA ko? Naging peborit hobby ko na yata ang pagiging engot a! :D
  • Aym so MARTIR! Hindi kaya nakatakda akong sumunod sa mga yapak ng bagong basbas na santong pinoy na si St. Pedro Calungsod? Hindi kaya kapalaran ko ang maging kauna-unahang Pinay na SANTA? Charot!

Hays..ganito yata talaga pag tunay mong mahal. Kahit hindi naibabalik sa ‘yo ang pagmamahal mo. Kahit nandiyan na ang 100 reasons para wag kunsintihin ang nararamdaman mo, may naiiwan pa rin 1 reason kung bakit hindi mo masunod ang 100 reasons na yun.

Isang rason lang ang meron ako para balewalain ang 100 na mga rason…

MAHAL ko eh!

Lol!

Syet! Ang aga-aga kong emotera.

O sha! Tama na. Pasok na ako ng CR. 

Baboosh!

Have a nice day everyone!

 

 

oOo

“Ang mahirap sa love, hindi mo pwedeng piliin kung kanino ka mahuhulog.”

Related Posts with Thumbnails

Leave a Reply

CommentLuv badge