Singapore – 3

Nasa 3rd day na ako ng Buhay-Petiks ko.

Sarap!

DSC07716

Imadyin, paggising ko sa umaga eh internet agad inaatupag ko imbis na magluto ng almusal para sa mga amo ko. πŸ˜€

DSC07715

Kahit ilang araw lang, hapi ako kasi pahinga ako sa pagliligpit ng hinigaan ko kasi may “muchacha” akong maya-maya lang ay aayusin ang hinigaan ko.

powerbreakfast

Habang inaayos ang kwarto, ako naman ay bumababa ng kwarto para lumafang ng power breakfast ko.

Uy! uy! uy! O di ba sabi ko, susulitin ko ang bakasyon kong ‘to at wala akong ibang aatupagin kundi ang sarili ko?

bubblebath

Eto na! Natupad din ang wish kong magswimming sa sandakmak na bula ng halos isang oras sa bath tub hanggang sa mangulubot ang mga daliri ko sa sobrang babad. (Hihi! Aym so julius babaw talaga. Bubble bath lang eh haping-hapi na. Hmp! Kever!)

Susmio! Walang kawala talaga pati ang mga libag at dalikdik ko sa katawan, nanlambot din sila at isa-isang kumalas sa bodylicious ko. πŸ˜€ Kaya ang feeling ko ngayon eh angΒ  linis-linis ko mula split ends ng hair ko hanggang ingrown ng toes ko.

After lunch, lumabas ako para mag ikot-ikot sa katabing mall, ang Bugis. Bakit pa nga ba ako magpapakalayo-layo pa eh may malapit naman na mga shopping malls. Naalala ko tuloy ang ate kong si Millette. Gustong-gusto nya ang Bugis na ‘to.

bugis

Siempre, walang salafi ang Mamaru kaya hanggang window shopping lang ang arte. πŸ˜€ Habang nasa mall, eksayted akong gumabi na kasi pramis ni brader na ilalabas nya ako at idi-dinner date nya ang ate Maru nyang tanging ganda lang ang meron. Lol!

As promised, we went out and he brought me to Orchard.

mandarin orchard-001

Dinala nya ako sa Chatterbox ng Mandarin Orchard kasi masarap daw at dinadayo ang Hainanese Chicken Rice nila ditey.

hainanese chicken rice

Alam ni brader sa Manila pa lang na naglalaway na ako ng Chicken Rice ng Singapoh’.

Noon pa man ay wala na akong kaduda-duda na labs na labs talaga ako ng brader ko. Kagabi lang, kahit gusto ko himatayin sa MAHAL ng Mandarin Chicken Rice na nasa menu eh wa sya pakels basta mai-treat lang ako.

hainanese chicken

Hmmmn, eto ang Signature Chicken Rice ng Mandarin Orchard. Hinahanap ko yung “pirma” kasi sabi “signature” nila ‘to. Hehe! Corny ko. Hmp!

buko juice

Ang problema ko sa sarili ko…madali akong mabusog. Wish ko talaga na sana pang kargador na kain ang pwedeng i-accomodate ng bituka ko. Kaso ambilis ko talaga mabusog. Kahit I’m fool full na, pinilit ko pa rin ubusin at i-scrape ang laman ng buko ko. Sayang eh. Lol!

Hindi ko na nagustuhan halos ang pakiramdam ko kagabi. Parang gluttony na kasi yung ginawa ko. Parang puputok na rin ako sa kabusugan.

happy mamaru

Heniweys, isang mapintog at haping-hapi na Mamaru ang rumampa ng Orchard Road kagabi. Tama lang ako sa desisyon kong isuot na damit,dahil hindi nahalata ang kabundatan ko. πŸ˜›

oOo

“Puro kayo lovelife. Gayahin niyo ako, pagkain lang. Masaya na, busog pa.”

11 thoughts on “Singapore – 3

  1. Mamu andito ka Sg? I hope naremember mo ko. Nagmessage ako sa u before. Dito rin ako sg, working. Sana makita kita. Im really interested n mameet kita e. big fan of your blog kasi.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Ellatot, andito ka pala sa SG? Hmmn…sayang. Pauwi na kasi ako bukas. πŸ˜€ Tsk! Sayang talaga…hindi mo man lang ako nalibre ng chicken rice. Hahahahaa! Yaan mo, malay mo makabalik ako. Hehe!

    [Reply]

  2. ang saya naman πŸ™‚ kaseksi mo naman sa yellow dress πŸ™‚

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Sure ka, Zai dearie? Wa echos yan? Seksi ako? Hahaha! Di mo ba napansin na pang malaking throw pillow ang design ng dresslalu ko? πŸ˜€

    [Reply]

  3. kung andyan ako sa SG papasyal kita..he..he..!!

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Nuks naman! Lakas ng loob magsabi ha. Porke’t wala ka sa SG. Hahaha! Saan ba ang lugar mo at yun ang dadayuhin ko sa susunod para wala kang kawala na manlibre? πŸ˜€

    [Reply]

  4. Mamu di bale next year baka makapasyal ako Iligan, i-tour mo ko sa palasyo mo ha πŸ™‚

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Kala ko naman ito-tour mo ko pag nakabalik ako ng Singpor next year. πŸ˜€
    Hay naku Ella, sa tamang halaga, welcome na welcome ka dito sa probinsya namin.

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *