Balik-Duty

Last November 1, mula airport ng CDO, deretso na kami ni brader ko sa memorial park kung saan nakagawian na namin dalawin tuwing Undas ang naka-Rest In Peace kong nakakatandang kapatid o Kuya.

Kahit kulang sa tulog at ngarag, keri lang. Masaya ang pagtitipon-tipon namin magkakapatid at mga pamangkin noong Undas. Yun nga lang, kinahapunan eh bumigay din ang bodylicious ko, na-overfatigue at nagka-FLU ang Mamaru ng sumunod na mga araw.

Kahit ilang araw lang ako nawala, sobrang na-miss ko ang amo kong babae, itago na lang natin siya sa pangalan na – Keziah.

me and my girlet

Siempre, na-miss ko rin ang “boylet” ko. Wahaha!

Ang panganay kong junakis slash amo kong lalaki na naglambing agad sa akin na kamutin ang likod niya.

me and my boylet

Higit sa lahat, SOBRANG na-miss ko ang alaga kong aso na gigil na gigil sa akin.

Me and Sang

Siguro naman, kahit ilang araw lang ako nawala last week ay na-miss din ako ng mga amo ko at ng alaga ko.

Kaya naman, ang masasabi ko lang ay nakakabuti rin yung lumalayo tayo sa mga mahal natin sa buhay paminsan-minsan, kahit panandalian lang. Para mabigyan natin sila ng chance na ma-miss tayo, di ba? At para ma-realize na rin nila ang importansya natin sa kanila. 😀

Heniweys, balik-duty na ako ngayon bilang kasambahay na ulit.

 

**YouTube video courtesy of Keziah

 

 

 

oOo

“Mahalin ka man ng ilang libong tao. Iba pa din kung ang taong mahal mo ang magmamahal sayo.”

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.