Joy

Tapos na ang Undas kaya inilabas ko na lahat ang mga Xmas bling-blings ko. This year, baka wala akong Christmas Tree kasi bumigay na talaga ang 16-year old kong Xmas Tree. Puro mga recycled lang dekorasyon ko ngayon, puro luma. Wala pa akong nabili na bago as dagdag na palamuti.

Heniweys, nagsimula na rin ako mag-isip ng mga additional DIY Christmas Decor. Yung tipong hindi gagastusan.

Ginawa ko ‘to kagabi.

xmas deco idea-002

Nag-request ako kay doter Keziah na gawan ako ng letters J,O,Y, na mga one foot ang size.

Gawa lang sa kung anik-anik na cardboard.

xmas deco idea

Hmmmmn, hindi ko nagustuhan ang chura ng letter Y na itey. Pinalitan.

xmas deco idea-001

Ayan, nang matapos balutin ng mga scrap na ribbons ang letters , dinikit sa wall gamit ang double-sided tape.

Hindi man bonggels ang dating ng deco na ‘to, eh pwede na! Ang importante, may JOY na kami sa bahay! 😀

 

oOo

“Go for someone who’s not only proud and glad to have you, but will also take every risk and effort just to be with you.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *