Pampaputi ng Pechay 2

May mangilan-ngilan na nag re-ak o nag-komento dun sa pinost kong Pampaputi ng Pechay. Karamihan mga lalaki ang nag re-ak. Palibhasa tungkol sa pechay ang topic. As if naman gumagamit sila ng feminine wash. Hmmp! Napaghahalata tuloy ang mga…

Heniweys, halos lahat sila ay nag-chorus ng pasintunado na kelangan may ilagay akong ebidensya para malaman kung talagang epektib nga ba yung lintek na feminine wash na yun.

oo post ng picture ng pechay para makita ang ebedinsya kung epektibo o hindi — Nick

pictures or we wont believe mamaru! lols!Apollo

to see is to believe. kelangan proof start na sa before pic now nah!Gretel

ahahah.. interesting.. ipost na ang result para ibili ko din wife ko kung epektiv nga.. ahahaha..Jhai

no evidence needed. alam na, he he heRaymond

O sha! Sige na nga! Baka sabihin nyo puro satsat lang ako at takot magpakita ng ebidensya.

PAALALA: May pagka-maselan ang usapin na ‘to. Kaya minabuti kong wag ibulatlat ang picture ng pechay dito mismo sa frontpage. Mga magulang, paki-gabayan po ang mga bata.

Siempre, hindi ko pa pwede i-post AGAD ang resulta o yung “AFTER” pic kasi ang sabi di ba mga after 4 weeks pa magkakaalaman kung talagang nakakapagpaputi nga ba ng pechay.

Kaya ang “BEFORE” na larawan na lang muna ang ipapakita ko sa inyo ha?

Wag nyo sana pipintasan ang pechay ko. 🙁

Bumoso DITO.

oOo

“Masarap magmahal ng taong maraming naiisip na dahilan para mahalin ka at walang maisip na dahilan para iwan ka.”

14 thoughts on “Pampaputi ng Pechay 2

  1. d pa masyadong makikita ang epektibo dahil kulang pa sa panahon maghintay hintay muna tau ng ilang weeks para makita kung meron pagbabago

    • Sabi ko naman na wag pipintasan eh. Bagong bunot, may bumunot, nabunot at kung anu-anong bunot lang kasi yan. Pero ok na yan na may konting lupa-lupa…wag lang yung amoy-lupa na.

    • It’s one of my fave veggie. Kahit anung luto…kahit anong gawin jan, masarap para sa akin. Minsan nga kahit titigan ko pa lang…nakakapanglaway na. Lol! Hays…tama na nga ang mga dobol meaning na yan. Haha!

  2. Kinabahan ako pag click ko ng DITO baka kung anong PECHAY ang tumambad sa akin…lols… fan mo ako MAMARU..gaya gaya lang ang peg sa mga niluluto mo..Idol na kita pwamis…

    • Napa-hehehe ako ng mabasa ko ang comment mo… with matching “BLUSH” dun sa sinabi mo. Naks!
      Uy, Sensya na kung wala akong food-related post lately. Maraming salamat, Janice!

  3. Ok lang Mamaru madame pa nakaline up sa mga iluluto ko na recipe from u.. pero ang roll lasagna ha dme napawow.. hit na hit kakaiba nga naman.. kaya sa Christmas at New Year alam na ang handa sa bahay… At ang blueberry Cheesecake weekly lang naman nila nirerequest…

    • Hay naku, naging signature dish ko na rin ang lasagna rolls. Lahat ng okasyon dito sa amin, palaging may lasagna rolls na kahit dun sa mga bertdey-bertdey ng mga pamangkin ko. Just dis week..nakadalawang beses ako gumawa ng lasagna. Sa noche buena, siempre meron na naman. Mas madali kasing gawin ang rolls…memorize ko na nga eh. 😀

      Ano pa handa mo sa darating na krismas eve at New Year? 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.