Wednesday Humor 01.09.13

Mga biktima ng PAPUTOK noong New Year:

mga biktima ng paputok

JUAN: "Bakit lumaki paa ni Jose?"
PEDRO: "Sinipa niya yung punso."
JUAN: "Bakit Lumaki ang nguso ni Maria?"
PEDRO: "Dinuraan yung punso. O saan ka pupunta pare?"
JUAN: "Iihi sa punso.."

Dinalaw ng anak yung tatay nya sa kulungan…
TATAY: "Anak, bakit ikaw lang mag-isa ang dumalaw sakin dito? Bakit hindi mo kasama ang nanay mo?"
ANAK:"Tay nagsha-shopping po si inay…"
TATAY: "Aba ang dami yatang pera ng nanay mo, san naman sya kumuha ng pera?"
ANAK: "Yung reward po sa ‘yo."

Sweet Conversation
BOY: "Sagutin mo na kasi ako
GIRL: "Bakit seryoso ka ba?
BOY: "Oo nga, FUCK YOU
GIRL: "Ha? tarantado ka pala eh
BOY: "I mean
F -from the first day na nakita kita
U -umapaw na ang pagtingin ko sayo
C-crush na talaga kita dati pa
K -kaso nahihiya akong lumapit sayo
Y -yun ang totoo, kaya sana
O -oo ang sagot mo, promise ko
U -uubusin ko ang lahat pagmamahal ko
GIRL: "OH SHIT"
BOY: "Ha?"
GIRL: "Ang sabi ko
O -oo ang sagot ko
H -huwag mo lang akong
S -sasaktan dahil kapag ginawa mo yun
H -hindi kita mapapatawad at
I -ipakukulam pa kita
T -tandaan mo yan

PARE1: "Pare buti na lang hindi nagkatotoo yung end of the world nung 2012 noh!"
PARE2: "Bakit naman? Dahil marami ka pang gustong gawin?"
PARE1: "Hindi, dahil hindi mo pa nababayaran yung utang mo sakin!"

Mag BF at GF…
GF: "Lagi na lang ako gumagastos pag magde-date tayo!"
BF: "Sorry babe, wala kase kong pera talaga eh."
GF: "E di ipunin mo yung baon mo, tapos para pagdating ng sabado may pang date tayo!"
BF: "Hindi pwede…"
GF: "At bakit naman!"
BF: "Mapapanis yung baon ko. Lumpia, shanghai, kamote, saging, itlog, sandwich…"

Knock-knock!
BOY: "Maalala mo ba ko bukas?"
GIRL: "Oo Naman!"
BOY: "Sa susunod na bukas?"
GIRL: "Oo naman!"
BOY: "Eh pano naman kung after a month?"
GIRL: "Syempre!"
BOY: "Eh kung After 10 Years??"
GIRL: "OO nga!"
BOY: "Knock Knock!"
GIRL: "Who’s there?"
BOY: "Oh! Tignan mo! Kakausap lang naten nakalimutan mo na agad ako!"

TATAY: "Estudyante ka ba?"
ANAK: "Bakit?"
TATAY: "Anong bakit? Gusto mo sapak? Tanghali na may klase ka pa!"

PEDRO: "Mam si Juan po naniniko!"
GURO: "Alam mo ba Juan na masakit ang maniko?"
JUAN: "Eh Mam, anu naman kinalaman ko sa pag sakit ng mani nyo."

 

 

oOo

“Ang STIFF NECK ay isang paalala na kapag lumingon ka pa . . MASAKIT! Kaya wag ng balikan ang nakaraan, para hindi ka na masaktan.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.