Monday Humor 02.04.13

Tumawag si Juan sa Septic Tank Service Center..
JUAN: “Hello, humihigop ba kayo ng TAE sa poso negro?”
MANONG: “Opo sir! Bakit po?”
JUAN: “Masarap?”

Sa bus, nagpapadede ang babae sa anak, pero ayaw dumede ng bata.
BABAE: (galit) “Ayaw mong dumede? Ibibigay ko toh sa lalaking katabi ko.”
20mins na pero ayaw pa din dumede..
BABAE: (lalong nagalit) “Ayaw mo talagang dumede ah.. Ibibigay ko talaga ‘to sa lalaking katabi ko!”
LALAKI: “Mam, magdesisyon na kayo…dapat kanina pa ko bumaba eh.”

swat team

Mga TANONG sa EKSAMIN:

  1. Kung ikaw si Batman, sino ang bahala sa yo? Give three examples.
  2. Ano ang mas malaki? BAG NI DORA o BULSA NI DORAEMON? Ipaliwanag.
  3. Sino ang kumagat sa logo ng Apple, at bakit hindi niya ito inubos?
  4. Kung may UPCAT, bakit walang UPDOG? Elaborate.
  5. Sa produktong Crayola, ano ang pinagkaiba ng yellow green sa green yellow? Explain using logarithmic functions.
  6. Kung ang 1 kg ay may 1000 g, ilang grams naman ang meron sa Instagram? Show your solution.
  7. Kung sa Kasaysayan ng Pilipinas may “Panahon ng Amerikano, Hapon, Kastila at Pre-Colonial”, kailan naman matatagpuan ang “Panahon ng Kopong-kopong”? Ilahad ang mga mahalagang pangyayari at magpakita ng archaeological evidences.
  8. If men are from Mars and women are from Venus, bakit sila nagpunta sa earth?
  9. Should you give up or should you just keep chasing pavements? Expound.
  10. Ano ang meron kay Brand X at galit na galit ang ibang brand sakanya? Explain.
  11. Masasabi mo bang fair ang Ms. Universe kung lahat ng contestants at judges ay galing sa Earth? Explain.
  12. Gaano kataas ang lipad ng Whisper with wings? Graph your solution.
  13. Kung may mag-imbento ng powdered water, anong idadagdag mo?
  14. Kung walang kamay ang mga ibon, then why do birds suddenly APIR? Ipaliwanag.
  15. Sabi ng iba, napuntahan niya na lahat ng sulok ng mundo. Paano mo masasabi na may “sulok” ang mundo kung Oblate Spheroid naman ang hugis nito? Explain and draw your answer on a 1/4 sheet of graphing paper.
  16. May nalunod na ba sa lalim ng gabi? Kung meron, enumerate.
  17. Bakit ang tawag sa *building* building kung tapos na siya? Justify.
  18. Is this the real life? Or is this just fantasy? EXPLAIN.
  19. Gaano kadalas ang minsan? Enumerate.
  20. How did Adele set fire to the rain? Write the chemical formula.
  21. Kapag ang ipis nahulog sa tubig na may sabon, dudumi ba ang tubig o lilinis ang ipis?
  22. Bakit pababa nang pababa ang ispaghetti? Explicate using Newton’s Law of Gravitation.
  23. Does the moonlight shine on Paris after the sun goes down?
  24. Kung ang nakatusok na baboy ay barbeque, ang nakatusok na saging ay bananacue, bakit ang kabayo, carousel?
  25. Ilan ang butas sa isang cracker ng skyflakes? Illustrate.
  26. Kung ang tao nagmula sa unggoy, bakit may mukhang kabayo? Explain.
  27. Nauuhaw din ba ang mga isda? Ipaliwanag.
  28. Bakit pag rush hour tsaka mabagal ang daloy ng traffic? Explain your answer using sign language.
  29. Nasaan ang Edge of Glory? Write your final answer in nautical miles.
  30. Ang breakfast ba at dinner, pwedeng ilagay sa lunchbox? Prove your answer.

Noong hindi pa uso ang touchscreen na cellphone …

Masayang masaya ka na kapag nakaka-topscore ka sa snake.
Papalit-palit ng housing. Lahat ng kulay meron ka.
Minsan, nagco-compose ka pa ng ringtone. Bumibili ka pa ng songhits na may ringtone sa likod.
Sikat ka na kapag marami kang picture message.
Tapos naiinis ka kapag may nagbi-blink na sobre sa taas ng screen message na ‘memory full’ na daw kaya kailangan pang magbura ng pinakatatagong text.
Pabilisan pa ng pagta-type kapag zero ang ginagamit at hindi ‘o’.

GIRL: “Babaero!”
BOY: “Malandi!”
GIRL: “Tamad!”
BOY: “Mukhang pera!”
GIRL: “Patay gutom!”
BOY: “Hampas lupa!”
GIRL: “SUPOT!!”
BOY: “Sorry na kasi.”

TURN ON: Babaeng may limang pusod.
TURN ON: Babaeng may bigote sa kili-kili.
TURN ON: Babaeng may ngipin sa noo.

BATA: “Pautang nga ho ng 3 itlog.”
TINDERA: “Ililista ko ba?”
BATA: “Nasasayo kung gusto mo I-drawing.”

JUAN NAHULING NANGONGODIGO..
TEACHER: “Ganyan ka na ba kabobo Juan?!”
JUAN: “Ma’am, seeking help is not a sign of ignorance.. It’s an intellectual act that allows people to admit that some situations are not meant to be handled alone.. It’s a reality check. Did you get my point, ma’am?”
TEACHER: “Juan, tagalog lang ang tanong ko.. hindi ka naman mabiro, hala cge ituloy mo lang yan.. wag ka lang magpapahuli ah.”

Isang diborsyadang misis ang nakapagpakawala ng isang genie.
GENIE: “Meron kang tatlong kahilingan. Pero dahil hiwalay ka saiyong asawa, bawat hilingin mo ay makukuha din ng hiniwalayan mong asawa at DOBLE pa!”
MISIS: “Pero malaki ang galit ko sa kanya!”
GENIE: “Yon ang patakaran ko Misis!”
MISIS: “O sige, bigyan mo ako ng sampung milyong piso!”
GENIE: “Masusunod! Sampung milyon sayo, at 20 milyon sa asawa mo! Ano 2nd wish mo?”
MISIS: “Bigyan mo ako ng limang malalaking hotel!”
GENIE: “5 hotel sayo, sampu naman sa asawa mo! Huling kahilingan na Misis. pagisipan mo ng mabuti.”
MISIS: “Sige eto na! Bigyan mo ako ng MILD STROKE.”

NOON: Ang panliligaw dati ay pahirapan " sibak ng kahoy , bilad ng palay, igib ng tubig ".

NGAYON: KUHA NUMERO, MEET SA KANTO. PASOK SA KWARTO. STYLE ASO!

LIFELINE.
DOCTOR: “I’m sorry to tell you but you’re goin’ to die soon.”
PATIENT: “How long Doc?”
DOCTOR: “10.”
PATIENTT: “10 months?”
DOCTOR: “9. 8. 7. 6. 5. 4……..”

Kapag ba umupo ako sa tabi mo tapos may umupo sa gitna natin ang ibig sabihin ba nun, MAY NAMAMAGITAN SA ‘TIN?

 

 

 

oOo

“Nakakapagod din maghintay lalo na pag wala ka namang hinihintay!”

Related Posts with Thumbnails

Leave a Reply

CommentLuv badge