Tenkyow

For 3 consecutive years, walang palya ‘tong FB amiga kong si Pryss na iparamdam sa akin na – I Am Loved. Love Struck

From Pryss

Nga pala, ang tinutukoy ni Pryss na pangyayari ay yung nakakalungkot na panloloob sa bahay namin. Eh kasi, nanakawan kami last week. Crying

Natangay lang naman ang pinakamamahal kong cellphone, pulseras at Apple Macbook ng niece ko. Hindi ko nakuhang mai-blog ang masaklap na pangyayaring yun kasi naninikip lang ang dibdib ko.

Siempre mahalaga sa akin ang cellphone kong yun dahil malaki ang naitulong nun dito sa blog ko at siempre mahal ko rin ang taong nagbigay nun sa akin. Pero sa totoo lang, mas awang-awa ako sa pamangkin ko.

Kaya pag pasensyahan nyo na muna kung hindi ako makapag-post ng maraming jokes ngayon  kasi nga walang cellphone ang Mamaru. Hindi makapag-supply ng SMS jokes sa akin ang dear friend kong si Mike.

Heniweys, naging pampalubag ng loob ko ang Xmas gips (better late than never) na ‘to ni Pryss na natanggap ko noong Lunes.

 The Body Shop Chocomania

THE BODY SHOP CHOCOMANIA SHOWER CREAM

Parang mas gusto kong haluan ng gatas, gawin chocolait, at tunggain ng minsanan lang imbes na ipangligo ang Shower Cream na itey. 😀 Tsalap ng amoy.

The Body Shop Moringa

Super-like ko rin ‘tong TBS MORINGA BODY BUTTER. Sa amoy pa lang, nakaka-engganyo na maligo ng maligo.

Juice ko! Nai-imagine ko na magiging ganito kasarap ang amoy ko sa mga susunod na araw, kaya yari na naman ako nito ng imaginary husband ko. Charot!

Witty Will Save The World Planner

Dear Pryss, nag tig-isa kami ni Keziah dito sa dalawang Witty will Save the World Diary/Planner na bigay mo.

Wish ko lang na sana narinig mo ang mga hagikhik namin ni Ziah habang binabasa ang mga witty one-liner na naka-imprinta sa loob. Baklang-bakla! Super aliw, as in!

Maraming salamat sa thoughtfulness…

…kahit minsan ay parang umaasta kang may sayad at adik – eh ibang klase ka rin talaga, girl! Haha!

Again, TENKYOW!

 

HAPPY VALENTINES!

 

 

oOo

“Ngayon Valentines Day, magsuot ng t-shirt na may nakalagay na "MAGHIHIWALAY DIN KAYO!" at mag-ikot sa mall.”

4 thoughts on “Tenkyow

  1. Kung alam ko lang na ilalagay mo pati ang note ko, sana di na lang ako naglagay. Tunog tagalog-retard and elementary ang note ko hahahah!! At buti na lang din Pryss nailagay ko.

    Naisip ko pa naman, ‘naku xmas gift, nakalimutan kong samahan ng card’ *closing na ang mall at kinukuha na ang package para i-seal ng 2GO*
    ‘crap! bahala na tong listahan ng groceries. bodyshop naman ang laman.’

    LOL

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Susme! Ano ka ba! Alam ko naman na isa kang retard. Lol! Di nga, sweet nga ng kalakip na note eh. Sabi nga nila, wala yan sa papel….its the TOT dat KANTS.

    [Reply]

  2. PS.

    I honestly thought na mapupunta ke Kevin at Keziah ang diary at sa yo ang mga TBS products. Kawawa naman si Kevin. :/

    Howel, sa other members of the family naman talaga napupunta ang dowry. 🙂

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Tawa ko sa DOWRY. Lukaret! Baka nga ako pa ang magbigay ng dowry sa u.
    Hindi mahilig si Kev sa PLANNER. Pero alam mo ba, nang nakita nya yung planner na yan, sabi nya ganyan sana daw ang bibilhin nya last Xmas para sa akin. Siguro alam nya na magugutushan ko. Pero nung nagkapera na sya at binalikan yung store…wala na daw. 😀

    Hayaan mo…isi-share ko kay Kev yung TBS…para magkahilig maligo ang mokong. Haha!

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *