Ang Mga Babae

woman

Ang Mga Babae (Sabi Ng Mga Lalaki)…

“Ang mga babae, madaldal, mabunganga.” –  Oo, wala talagang tigil ang bibig nila sa pag-rachada sa kakasalita. Lalo na sa tuwing pinapaalala nila sa ‘yo na oras na para inumin ang iyong gamot, kapag nagtatanong sila kung kumain ka na ba, kapag ginising ka nila sa umaga upang hindi ma-late at sa mga pagkakataon na nag-aalala sila sa ‘yo at tinatanung kung nasaan ka na at bakit hindi ka pa umuuwi. Walang duda, madaldal nga. Hayaan mo na, balang araw, siguro magbabago din sila. Tipong maririnig mo lang eh “Oo”, “Hindi” at “Pwede”. Yung para kayong naglalaro ng Pinoy Henyo. Romantic siguro ng buhay nyo nun.

“Ang mga babae, masyadong sentimental.” – Sinabi mo pa. Tandang-tanda nga nila ang petsa at lugar kung saan kayo unang nag-date. Isinulat niya din sa kanyang diary kung ano ang mga ginawa ninyo. Nakatago at ingat na ingat siya sa mga larawan nyong dalawa. Daig pa niya ang Smithsonian sa pag-aalaga ng mga iniregalo mo. At kahit kailan hindi niya nalilimutan ang mga importanteng okasyon tulad ng anniversary, monthsary, weeksary o birthday mo. Nakakainis ba? Ok lang yan, malay mo next time, hindi na siya ganun. Tipong i-aasa na lang niya sa Facebook ang iyong kaarawan. Tapos tamang post na lang sa wall mo ng “hapi bday”.

“Ang mga babae, emosyonal.” They cry about movies. They get teary with a romantic novel. They blush and gasp upon seeing a picture of a cute dog or a cuddly baby. Bakit ba ganun sila? Buti na lang tayo hindi. Kinikimkim lang natin lahat ng emosyon sa loob hanggang sa sumabog at atakihin sa puso o di naman kaya eh magpapakalasing tapos magwawala at maghahamon ng wrestling. Di ba mas logical yun? Madalas pa mag-imagine na ikakasal kayo sa simbahan. Lagi nag a-iloveyou, imissyou, take care at mwah mwah sa text. Asar ka na ba at naco-cornyhan? Ayos lang yan. Darating din siguro ang time na titigil siya at ise-send ang mga yun sa iba.

Women are probably the greatest gift to men from God, beside beer and sizzling sisig. At para sa akin, women deserve all advantages, lalo na sa pag-ibig. Sana lahat ng babae ay maging masaya ang lovelife. Sana, walang babaeng heart-broken. Kasi, tayong mga lalake, we’re meant to pursue them and it’s okay if we fail from time to time. It’s the way nature intended it. Gaya ng isang leon sa usa o pag-ikot ng earth sa paligid ng araw. Mas okay kung tayo na lang yung masasaktan. Eh sila? Isipin mo, nagkakaroon sila ng “dalaw” at nababaliw kada buwan, nabubuntis at nahihirapan ng 9 months, at pinaka matindi sa lahat, kailangan pa nilang panatilihing makinis at walang buhok ang kanilang mga kili-kili. Ano ba namang pasayahin sila at gawing “scar-free” ang kanilang buhay pag-ibig. And if you are with a great gal today, do everything to make her happy. Don’t ever break her heart.

Wag kang magpa-uto sa mga statistics na nagsasabing mas marami ang babae sa lalake, kaya okay lang mang-chicks. Ano pa bang gusto mo? Hindi pa ba sapat na minahal ka niya sa kabila ng iyong pagiging engot at kawalan ng Romantic DNA sa katawan? Malaki man ang papyulasyon nila sa mundo, napaka-liit ng tsansang makakilala ka ulit ng katulad niya na magtiya-tiyaga sa ‘yo. Tandaan, pansamantala ka man maakit ng naglalakihang pulang high-heels o maaarteng makintab na sandals, mas masarap pa rin umuwi/bumalik sa nag-iisang tsinelas ng buhay mo.

Source: Nenok sa isang forum site

oOo

“Huwag mong sasaktan ang taong alam mong mahal ka. Dahil hindi mo alam na wala syang ibang iniisip kundi ang mapasaya ka.”

4 thoughts on “Ang Mga Babae

  1. naka hilak man ko.. wala ko kabalo ngano?.. ako jud ning bayhana… unya sya jud ning lakiha… nyatis ning kinabuhi-a. 🙁

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Haha! I thought na ako lang. Pero teary-eyed din ako kanina while reading this. I dunno…baka nga OA lang tayong mga babae.

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *