Hala Tuwad!

Kung papasok ka sa kwarto namin ngayon,wag na wag kang magugulat kung may bumulaga sa ‘yo na ganito ang ayos ng mga anakis ko.

silip-002

Aktwali, ako ang madalas na gumaganito ang ayos lately.

silip-001

NakaTUWAD at may siniSILIP!!

silip

Eh kasi…ayaw na ng bagong panganak na si Sang sa whelping box nya.

Two days after manganak, isa –isang binitbit ni Sang ang mga junakis nya sa ilalim ng bed namin at dun na namalagi. Hinayaan na namin kasi yun ang gusto nya. Inilipat na lang namin yung heating lamp sa ilalim ng bed at naglagay din kami ng lumang towel para sa higaan nila.

Kaya eto kami ngayon, maya’t maya eh nakatuwad kami para silipin ang mga alaga namin sa ilalim ng bed.

Ok na lang sa akin kahit ako mismo ay nahihirapan na sa katutuwad (tsk! wala ng praktis?) tuwing tsine-tsek ko sila kasi ako ang mas nagbabantay at nag-aalaga kay Sang at sa mga tuta. Heniweys, kung saan mas komportable si Sang, keri na rin tutal pansamantala lang naman sila sa ilalim ng bed namin.

 

 

 

oOo

“Gusto ko sa lalaki: seryoso, maalaga, yung di ako iiwan. Bale tatlong lalaki yun.”