Meet My New Dabarkads

Meet nyo ang mga apo slash dabarkads ko ngayon! Laughing

17-day old lang tong mga junakis ni Sang. Eto na mga tsura nila ngayon. Pinagkokodakan ko sila ngayon kahit alam ko magbabago pa ang mga fez nila sa mga susunod na araw. Para may remembrance. Big Grin

Kabubuka lang ng mga eyes nila kaya bomalabs pa ang mga paningin nila. Kaya wag magtaka kung pinagsuot ko muna sila ng contact lenses para luminaw konti ang mga paningin nila. Charot!

Nga pala8 talaga ang anak ni Sang. Namatay yung isa dahil sa nilublob lang naman ni Sang ang isang tuta nya sa bowl ng tubig na malapit sa kanya. Namatay dahil sa hypothermia. Hindi ko naagapan kasi wala ako nun dito sa bahay. Saglit lang ako na namalengke at pag-uwi ko eh may masamang balita na si Kevin sa akin. Deds na yung isang tuta. 🙁

Heniweys, eto ang mga bagong dabarkads ko ngayon dito sa bahay. Sila ang dahilan kung bakit minsan ay tinatamad akong mag-blog. Maya-maya kasi eh nandun ako sa pwesto nila. Ewan ko ba, nakakaaliw silang pagmasdan kahit madalas eh tulog ang mga lekat.

Mula noong pinanganak sila, walang gabi na hindi ako gumigising para lang i-check sila. Oo, iisang kwarto lang kami sa ngayon. Hindi pa kasi sila pwedeng i-expose sa labas ng bahay.

Argo Django

Lincoln Adele

Will  Fantine

Kung mapapansin nyo ang names ng mga bago kong alaga, bukod kay Will, eh yan ang mga  pelikula at pangalan na namayagpag noong katatapos lang na Oscar Awards. Hehe!

Si Fantine, yan ang name ni Anne Hathaway sa Les Miserables. Sa lahat ng mga tutasi Adele ang pinakamalaki at pinakamataba. Obyusli, bagay siya na maging Adele. Hihihi! Sayang at hindi nga lang captured sa pic ang cuteness ng katabaan nya.

Walang name ang isang beauty na itey sa may ibaba kasi hiningi at naipangako ko na to sa kapitbahay ko. So, sila na lang siguro ang bahala na magbinyag ng name.

Nameless

Sa totoo lang, ayaw ko sana mamigay kasi parang ang bigat sa dibdib ko ang mabawasan pa ang mga anakis ni Sang.kaso naipangako ko na eh. Pero oks lang din naman kasi nasa katabing bahay ko lang naman ang lilipatan niya. Makikita ko pa rin ang beauty ng bitchesang to.

 

 

 

oOo

"Kapag napapatawa ka ng isang tao ng maraming beses, hindi siya magaling magpatawa, mahal mo lang talaga siya kaya masaya ka."

Friday Humor 03.08.13

KULAS: "Pare, ang misis ko, sinabihan akong ISIP-BATA! Sinigawan ko nga!"
BADS: "Wow astig! Ano sinigaw mo?"
KULAS: "Hindi na kita bati!"

L0NG QU0TE – yan ang nararamdaman ko pag ako ay ndi masaya. Ako ay ma L0NG QU0TE.

HAPDI – yan ang tawag pagpumasok ka ng kalahating araw sa school o sa work. sir/mam, pwde po ba mag HAPDI?

Imp0rtante ang susun0d m0ng mababasa
.
.
.
.
.
.
.
IMPORTANTE.

MANNY TO ALING DIONESIA: it flash to
my nose tree
times for
they buy dead
by too
ALING DIONESIA: "Beri easy. Ede ekuals portin.

Pustahan tayo, babasahin mo ulit!

LAGING MAKIKITA SA PINOY ACTION MOVIES
– Laging umiikot ang istorya sa paghihiganti: Ni-rape ang kapatid ng bida o pinatay ang kamag-anak nya (nanay, tatay, ate, kuya, kinakapatid, kabiyak, anak, pinsan, tiyo, tiya, lolo, lola, ninong, ninang, apo, apo sa tuhod, apo sa talampakan, ninuno)

– Isa sa mga eksena e babastusin sya o syota nya ng mga nag-iinumang istambay.

– Hindi nakakaramdam ng sakit ang bida sa bakbakan, pero sisigaw ito at aaray pag ginagamot na ang mga sugat nya ng isang babae.

– Ang kuta ng mga kalaban e sa warehouse o malaking bahay.

– Kung ma-co-corner ang bida, hindi ito papatayin, ikukulong lang.

– Mag-uusap ang bida at ang mortal na kalaban nito habang nag-tutukan ng baril mahabang pag-uusap, tila baga mag-syotang nasa telepono.

– Makakapulot ang bida ng baril na may bala tuwing kinakailangan.

– Kaya ng bida ang dalawampung tao sa bakbakan dahil hindi naman sila sumusugod ng sabay-sabay, laging isa-isa, parang sayaw.

– Hindi tinatamaan ng bala ang bida kahit na tatlompung tao ang bumabaril sa kanya, pero lahat sila tinatamaan nya.

– Tamaan man sya ng bala ay laging daplis lang hindi pwedeng sa ulo o sa puso.

– Kung mamamatay man ang bidang lalaki o leading lady e makakapagsalita pa ito ng isang page ng script bago malagutan ng hininga.

– Huli darating ang maraming pulis at wala silang pakialam sa bida, kahit na involved ito sa riot!

 

**Above jokes courtesy of W.

GIRL: "Bes, single ka ba?"
BOY: "Oo bes, bakit?"
GIRL: "Kasi may nararamdaman ako sayo."
BOY: "Gusto mong maging tayo?"
GIRL: "Siguro, oo."
BOY: "Hala, bes. Di pwede."
GIRL: "Bakit? Akala ko ba wala kang gf."
BOY: "Eh kasi bes, hihintayin ko pa si Joe, Hihi!"

TEACHER: "Why do we sometimes call the Middle Ages the Dark Ages?"
PETE: "Because they had so many knights."

A woman’s work that is never done is the stuff she asks her husband to do. 😀

Ang mga taong binabawas ng isang babae sa kanyang edad ay hindi raw mawawala;
Idinadagdag niyo ito sa edad naman ng ibang babae.

Sex: Isa ito sa weakness ng mga lalake. Kapag may gusto o demand ang mga babae at hindi natin sinusunod, hindi ka pwede makasiping mamayang gabi. Ang sex malakas na sandata para ma kontrol ang mga lalake.

Ang gusto ng mga babae, lalakeng sagad kung magmahal.
Kasi gustong gusto ng mga babae kapag SINASAGAD!

JOSE: Pare paabot nga ng POSPORO.
JUAN: Aanhin mo ang posporo eh may LIGHTER naman.
JOSE: Oh sige abot mo yang lighter. IPANGTITINGA ko.

Dati ang magshota, HATID SUNDO.
Hangang naging SUNDOT HATID..
Tapos ngayon SUNDOT SUNDOT.

Alam yung feeling sumakay ka sa jeep tapos umupo ka sa likod ng driver. Ayun nagkaroon ka tuloy ng part time job na taga-abot ng bayad at sukli?

 

**Above jokes courtesy of Mike B.

 

 

oOo

"Ayokong masanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko."