Friday Humor 03.08.13

KULAS: "Pare, ang misis ko, sinabihan akong ISIP-BATA! Sinigawan ko nga!"
BADS: "Wow astig! Ano sinigaw mo?"
KULAS: "Hindi na kita bati!"

L0NG QU0TE – yan ang nararamdaman ko pag ako ay ndi masaya. Ako ay ma L0NG QU0TE.

HAPDI – yan ang tawag pagpumasok ka ng kalahating araw sa school o sa work. “sir/mam, pwde po ba mag HAPDI?

Imp0rtante ang susun0d m0ng mababasa…
.
.
.
.
.
.
.
IMPORTANTE.

MANNY TO ALING DIONESIA: “it flash to
my nose tree
times for
they buy dead
by too”
ALING DIONESIA: "Beri easy. Ede ekuals portin.”

Pustahan tayo, babasahin mo ulit!

LAGING MAKIKITA SA PINOY ACTION MOVIES
- Laging umiikot ang istorya sa paghihiganti: Ni-rape ang kapatid ng bida o pinatay ang kamag-anak nya (nanay, tatay, ate, kuya, kinakapatid, kabiyak, anak, pinsan, tiyo, tiya, lolo, lola, ninong, ninang, apo, apo sa tuhod, apo sa talampakan, ninuno)

- Isa sa mga eksena e babastusin sya o syota nya ng mga nag-iinumang istambay.

- Hindi nakakaramdam ng sakit ang bida sa bakbakan, pero sisigaw ito at aaray pag ginagamot na ang mga sugat nya ng isang babae.

- Ang kuta ng mga kalaban e sa warehouse o malaking bahay.

- Kung ma-co-corner ang bida, hindi ito papatayin, ikukulong lang.

- Mag-uusap ang bida at ang mortal na kalaban nito habang nag-tutukan ng baril … mahabang pag-uusap, tila baga mag-syotang nasa telepono.

- Makakapulot ang bida ng baril na may bala tuwing kinakailangan.

- Kaya ng bida ang dalawampung tao sa bakbakan dahil hindi naman sila sumusugod ng sabay-sabay, laging isa-isa, parang sayaw.

- Hindi tinatamaan ng bala ang bida kahit na tatlompung tao ang bumabaril sa kanya, pero lahat sila tinatamaan nya.

- Tamaan man sya ng bala ay laging daplis lang … hindi pwedeng sa ulo o sa puso.

- Kung mamamatay man ang bidang lalaki o leading lady e makakapagsalita pa ito ng isang page ng script bago malagutan ng hininga.

- Huli darating ang maraming pulis … at wala silang pakialam sa bida, kahit na involved ito sa riot!

 

**Above jokes courtesy of W.

GIRL: "Bes, single ka ba?"
BOY: "Oo bes, bakit?"
GIRL: "Kasi may nararamdaman ako sayo."
BOY: "Gusto mong maging tayo?"
GIRL: "Siguro, oo."
BOY: "Hala, bes. Di pwede."
GIRL: "Bakit? Akala ko ba wala kang gf."
BOY: "Eh kasi bes, hihintayin ko pa si Joe, Hihi!"

TEACHER: "Why do we sometimes call the Middle Ages the Dark Ages?"
PETE: "Because they had so many knights."

A woman’s work that is never done is the stuff she asks her husband to do. :D

Ang mga taong binabawas ng isang babae sa kanyang edad ay hindi raw mawawala;
Idinadagdag niyo ito sa edad naman ng ibang babae.

Sex: Isa ito sa weakness ng mga lalake. Kapag may gusto o demand ang mga babae at hindi natin sinusunod, hindi ka pwede makasiping mamayang gabi. Ang sex malakas na sandata para ma kontrol ang mga lalake.

Ang gusto ng mga babae, lalakeng sagad kung magmahal.
Kasi gustong gusto ng mga babae kapag SINASAGAD!

JOSE: “Pare paabot nga ng POSPORO.”
JUAN: “Aanhin mo ang posporo eh may LIGHTER naman.”
JOSE: “Oh sige abot mo yang lighter. IPANGTITINGA ko.”

Dati ang magshota, HATID SUNDO.
Hangang naging SUNDOT HATID..
Tapos ngayon SUNDOT SUNDOT.

Alam yung feeling sumakay ka sa jeep tapos umupo ka sa likod ng driver. Ayun nagkaroon ka tuloy ng part time job na taga-abot ng bayad at sukli?

 

**Above jokes courtesy of Mike B.

 

 

oOo

"Ayokong masanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko."

Related Posts with Thumbnails

Leave a Reply

CommentLuv badge