Sunday Humor 03.31.13

 

lol

*
May dalawang holdaper sa jeep. Kinuha nila ang lahat ng pera sa mga pasahero. Naisipan nung huling lalake na itago ang pera niya sa loaf bread para hindi matangay. Pero sabi nung isang holdaper sa kanya, “Akin na yang tinapay mo. Gutom ako!”

*

Nagmamadali ang lalake sa bar
LALAKE: “Bilis bigyan moko ng isang redhorse.”

Bago magkagulo binigyan ng waiter, naubos ng lalake
LALAKE: “Bilis bigyan mo ulit ako bago magkagulo.”
WAITER: “Opo, sir, pero kelan po ba yung gulo na sinasabi niyo.”
LALAKE: “Baka ngayon na dahil wala akong pera.”

*

Kung ayaw mo siyang maging asawa,
huwag mo siyang gawing nanay.

*

Isang tatay na horny ang naghahanap ng porn video..
GOOD NEWS: nakahanap siya sa laptop ng anak niya.
BAD NEWS: Sex video pala nila ng asawa niya.

*

Sa biology class.
GURO: “Juan! Magbigay ka ng pangalan ng hayop na pwedeng mamarahan sa tubig at lupa!”
JUAN: “Palaka, ma’am!”
GURO: “Very good! Pedro, give another example.”
PEDRO: “Iba pang Palaka!”

*

Pamahiin..
Pag nalaglag ang kutsara, babae daw ang bisita.
Pag tinidor, lalaki daw ang panauhin.
Kung sa bagay, ang babae, manunubo. :*
Ang lalake, nanunusok.

*

Sa telephone.
SECRETARY: “Boss, male-late ho ako sa trabaho.”
BOSS: “Ilang oras ba?”
SECRETARY: “Mga 24 hours po.”
BOSS: “Gaga! Umabsent ka na lang!

*

Buhay Misis
Sa umaga, naglalaba.
Sa tanghali, nagsasampay.
Sa hapon,nagtitiklop.
Sa gabi,hinuhubaran!

*

Kapag ika’y nakasakay se eroplanong lumilipad, kita mo ang ulap.
Kapag ika’y nasa lupa at lumipad ang palda ng chiks, kita mo ang langit.

*

Nasa sala ang mag-asawa. Nag-ring ang phone. Bago sinagot ng babae, sabi ni mister:
MR: “Kung para sakin ang tawag, sabihin mong wala ako dito sa bahay.”
MRS: “Sige.”
(lalake sa kabilang linya: anjan pa rin mister mo?)
MRS: “Oo nandito pa siya. mamaya ka punta” (saka binaba ang phone)
MR: “Bat mo sinabing nandito ako?”
MRS: “Para sakin ang tawag, di para sayo.”

*

Erap nasa ATM machine. Pagkatapos niya mag withdraw sabi ni Jinggoy, “Hahaha… Nakita po PIN mo! Apat na asterisk!”
Sagot ni Erap, “Hahaha… Gunggong! 1555 yun!”
Balik na sagot ni Jinggoy, “Weh! Sinungaling!”

*

JAY LENO: “The ex-Pope said that at age 85, he cannot physically go on. Meanwhile, (Playboy publisher) Hugh Hefner is going to be 87 and he just married a 26-year old.
So much for that celibate lifestyle.”

** All of the above jokes courtesy of MIKE B.

 

oOo

“Pinakamasakit na aksidente? Yung nahulog ako sa ”yo at hindi mo ko sinalo.”

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.