Pa-Help Naman

.

Kainis much! Ewan ko ba kung bakit bigla na lang may nag appear na black, thin horizontal line sa mismong gitna ng external monitor ko! Hindi ko maisip panu nangyari ‘to.

Ganito ‘tsura ng guhit na tinuturo ng red arrow sa piktyur. Parang guhit lang sya ng isang black bolpen.

DSC_0126

Ni-restart ko agad ang ‘pyuter ko nang makita ko yung guhit. Akala ko ini-April Fools lang ako ng pc ko o kaya may nang gugudtaym lang sa akin. Kaso, pagreboot ko, bah! Ayaw matanggal!

Tsinek ko na rin ang mga kable pati saksakan at baka may dapat lang higpitan. Kaso waley at wa-epek ang mga pinaggagawa ko. Hmmmn…ano kaya ibig sabihin nitey? Senyales na ba ‘to na malapit ng mag-say adieu ang monitor ko? Syet! Wag naman po sana.

Kaya nananawagan ako…

Pssst! Mga friendship ko, yung mga marurunong diyan sa ‘pyuter hardware, baka may alam kayo kung paano alisin yung guhit na nakabalandra sa gitna ng monitor ko. Baka kasi dumami sya o kaya lumaki. Baka pwede magpatulong po sa inyo. Paturo naman! Yun ay kung pwede lang naman. Pero kung hindi pwede eh… pa-help pa rin. Hehe!

Nga pala, Samsung 15″ LCD SyncMaster 733NW ang monitor ko. 😀

Sige naman ‘o…

 

Posted from WordPress for Android

oOo

“Bago ko binitawan ang salitang PAGOD NA KO, hindi mo lang alam kung gaano ko katagal pinanghawakan ang salitang KAYA KO PA.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.