Salamat Sa Pagresponde

 

Tungkol ‘to sa problema ng external LCD monitor ko na nai-post ko kahapon. Nagkaguhit kasi sa gitna ng monitor ko at ‘la ako idea paano nangyari yun.

At may mga mababait na tumugon sa panawagan ko:

“Mam may line na yung lcd mo hindi na po narerepair yan! Common problem na po yan sa mga lcd monitor. In time lalaki pa yan line sa monitor mo!”Nelson Liwanag Ramirez
*
“Pasira na nga yan Ms Maru.. Pero kung di pa naman sagabal mapagtitiyagaan pa..manipis pa lang yung line..”Ian Gerard Capistrano
*
“Mamaru u need to replace your LCD…d2 sa manila may alam ako mabibilhan, pero dyan sa place mo di ko lang po alam. Try mo tingnan kung LED type po ba…check nyo kung ano type ng LCD. Meron naman tinda nyan sa SULIT ..sana makatulong.”Asuncion Arick

– Nelson, Ian, At Arick, kahit nakaka-stress ang malaman na maiksi na lang pala ang buhay ng monitor ko eh maraming salamat pa rin  talaga sa pagresponde nyo. Kung malapit lang sana location ko sa inyo, parang gusto ko kayo bigyan ng jacket bawat isa! Chos! O kaya i-treat man lang sana ng halo-halo sa Razon sa pagsi- share nyo ng mga nalalaman nyo. Pero buti na rin na andito ako sa Iligan at malayo sa inyo. O di ba, lusot ako sa pa-meryenda?!  Lol!

*
“Kung naka-connect sya sa netbook mo, na-try mo na bang i-connect ito sa desktop mo? If you had already, meron pa bang line sa monitor? Kung meron pa, kelangan na siguro palitan ang monitor. Look for the warranty, baka sakaling sakop pa ito. Kung wala naman line when you connect it to your desktop, malamang nasa loob ng cpu ang problema. Subukan mo din hawakan sa right and left sides ang monitor and then apply a bit of pressure and twist the monitor as if your wringing a towel, uga-ugain mo pero dahan dahan.”WS

– WS, sinubukan kong i-konek ang monitor sa desktop at sa ibang laptop, andun pa rin yung guhit. Derpor, tama ka, monitor nga ang may problema. Pero baka di ko pa mapapalitan sa ngayon kasi alam mo na. Wala na rin yung warranty kasi mga 3 years na ang nakalipas eh. Hindi ko na sinubukan yung suggestion mong pressing and twisting kasi natatakot akong baka mas lumala o lumaki yung guhit. Hindi ko na lang muna ikakabit yung LCD monitor – pag kailangan na lang siguro para medyo humaba-haba naman ang buhay. Tiyaga-tiyaga na lang ulit sa netbook monitor. Thank u so much for taking time. Much appreciated.

.

oOo

“Minsan masayahin ako, minsan seryoso, minsan sobrang sweet, minsan sensitive, minsan manhid. Pero kahit bangag ako, ni minsan, di ka nawala sa puso ko.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.