Tuesday Humor 04.02.13

 

duck

*

Kahulugan ng alak sa babae at lalake
LALAKE: Ginagamit na paraan para maka-sex.
ex. “Tara shot tayo, konti lang naman eh.”
BABAE: Ginagamit na excuse pag na-sex.
ex. “Promise lasing lang ako nun.”

*

Ang tunay na kadahilanan ng kamatayan ng pinakamalaking buwaya na si LOLONG ay…
SAMA NG LOOB…
Dahil umano inihahantulad sa mga kauri niya ang pinaka pusakal na magnanakaw sa politika.

*

Nakakainis talaga ang mga babae, ayaw nilang makipagsex dahil may mga rason tulad ng:
“meron ako ngayon”
“masakit ang ulo ko”
o
“bitiwan mo suso ko di kita kilala.”

*

GIRL: “Maganda ba ako pag walang make-up?”
BOY: “Hindi muna kailangan ng make-up!”
GIRL: (kinilig) “Awss… talaga?”
BOY: “Kasi ang kaylangan mo ay plastic surgery.”

*

BF: “It’s over.”
GF: “Ano? Nakikipag break ka na sakin? Ok fine! At alam mo kaya pumayag akong matira ng 2 bestprend mo dahil wala kang silbi. Shit!”
BF: “Sabi ko, yung palabas tapos na.”
GF: “Anong nangyari?”
BF: “Pakyu!”

*

Sa bus, may nakatabi si boy. Babae na sobrang hot. Ngumiti si boy sa kanya.
BABAE: “Pwede mo ba akong tulungan?”
BOY: “Oo naman.”
BABAE: “Alisin tong bagay na to sa bubs ko.”
BOY: “Ano yun?”
BABAE: “Yung kamay mo, hayop ka!”

*

ANAK: “Mahal ko boyfriend ko at aalis na ako dito sa bahay.”
TATAY: “Yes! salamat dahil makakatipid na tayo ng pera!”
ANAK: “Pero sulat ni nanay ang binabasa ko, iniwan niya kanina jan sa mesa.”

*

Sa tindahan ng gulay.
TOTOY: “Ate, may tinda po ba kayong gulay na paborito ko?”
SEKSING TINDERA: “Eh ano ba paborito mo?”
TOTOY: “Eh di yung love na love kong kainin.”
SEKSING TINDERA: “Eh ano ba yung love na love mong kainin?”
TOTOY: “Yung SAYOte!”

*

TEACHER: “Ikaw, nangopya ka na naman kay nene dahil magkatabi kayo.”
BOY: “Hindi po, patunayan niyo.”
TEACHER: “Kasi ang tanong ko ay sino si Gloria Arroyo, ang sagot ni nene dating pangulo ng pilipinas, sayo din dating pangulo ng pilipinas.”
BOY: “Alam naman po naming lahat yun.”
TEACHER: “Di pa ako tapos, sa next question ko ano ang pangalan ng tatay niya, ang sagot ni nene “di ko alam” tapos sayo “ako din.”

*

Sa isang magulong klase.
TITSER: “Tingnan niyo, may nagse-sex!”
STUDENTS: “Asan?”
TITSER: “Ngayong nakuha ko na ang atensyon niyo, umpisahan na natin ang leksyon.”

*

Ang teknolohiya ay umuunlad, tuloy-tuloy at walang hinto. Ginagawa ang mga makabuluhang gadgets na makakatulong sa tao, kaya’t wag kang makipagkarera dito. Dahil ang teknolohiya, araw-araw nagbabago, ang sweldo mo akinse at katapusan lang.

*

KAMATAYAN: “Erap, oras muna, akina ang kamay mo.
ERAP: “Ayaw ko. Alam ko pag di ko nahawakan kang kamay mo, hindi ako mamatay!”
KAMATAYAN: “Tinamaan ng lintek! Ang talino mo! High Five tayo!”
(Erap nakipag high five.)
KAMATAYAN: “Ayan lumabas ang kahinaan ng ulo!”

 

** All of the above jokes courtesy of MIKE B.

 

 

oOo

” Sarcasm ang sagot sa mga taong walang common sense. Sa panahon ngayon, bawal ang tanga!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.