Sana Bumalik Yung Dati

 

1. Ako na yata yung taong walang kapaguran mag-isip.

2. Oo naman, hobby ko ang mag-isip kahit kadalasan puro mga kababawan at mga walang ka-kwenta kwenta lang naman ang mga iniisip ko. Pero impernes naman sa sarili ko, minsan ay marunong din naman ako mag-isip ng malalim at may kabuluhan. Yung mga tipong pang-Einstein na way of thinking bagah. Chos!

3. Ang dami kong gusto isulat. Ang dami kong gusto sabihin galing sa isipan ko. Ang dami kong gusto ilabas na damdamin galing sa dibdib. Gusto ko silang ilagay lahat dito sa blog ko kasi nagrarambolan na yung mga words dito sa bungo ko. Yung tipong no-holds barred na confession keme. Oo, ganeern!

4. Marami akong kadramahan sa buhay. Marami akong gustong ipagtapat na  masasayang moments ko ngayon. Siempre meron din malungkot at meron din nakakabwisit. Kaso, parang hindi pa yata ako handa i-share ng lahat-lahat sa mundo. Kaya ayun, ang resulta ay puro nauuwi na lang sa "draft" ang mga naisusulat ko.

5. Ewan ko ba, dinadaga na ang dibdib ko para mag-share ng saloobin ko sa mga bagay-bagay lately. Naduduwag na yata ako. Hindi naman ako ganito dati. Pero totoo na dito sa blogging, sharing your thoughts and feelings with other people, aka readers, (na karamihan ay hindi ko naman personal na kilala) is sometimes a worry.

6. Eh kasi pag isina-publiko mo ang pagiging totoo o prangka mo sa sarili, malaki ang tsansa na it will be used against you sa maraming paraan. May makakaintindi pero andun yung may magtataas ng kilay at may maiinggit pa rin. Hindi na nga yata mawawala sa mundo ang mga inggitero.

7. Minsan, hindi mo sinasadya, hindi mo namamalayan eh nakakasakit ka na rin pala ng damdamin ng ibang tao samantalang ang tanging ginawa mo lang naman ay nagpapakatotoo ka. O di ba, nakaka-PUNYETA talaga isipin ang ganun!

8. Hays…sana dumating ulit yung mga araw na buong-buo na ulit ang kumpyansa at tiwala ko sa pagsi-share ng saloobin.

 

 

 

oOo

"One of the biggest mistakes I have ever made in my life was letting some people stay in my life for longer than they deserve."

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.