Mainit Na Huwebes

 

Sabi nga ni Ogie Diaz, "every gising is a blessing". True nga naman.  Kaya salamat po Lord, kasi I’m alive!

O ‘wag na maging ingrata ha? Nakapagpasalamat ka na ba? Dahil ang gumising na buhay ngayon ay isang malaking rason na para mag rejoice. We may have our rough days and sad days, but as long as we are breathing, sapat na para hindi mawalan ng pag asa sa buhay, sa mga posibleng magagandang mangyayari pa. Amen? ( Hello pastora, isdatchu?)

Ngiti-ngiti lang kasehodang parang nililitson na naman tayo dito sa Pinas sa sobrang init ng panahon ngayon.

Dito sa kuta ko, 34’C ang temperature ngayon . Kaya naman, umaga pa lang ay nakaborles na agad ako. Joke lang po. Sobra naman kung naka-borles, naka-tupis naman po. Lol!

Ganda kaya ng araw ngayon.

image

Kahit mainit, nakaka-inspire pa rin humigop ng kape.

image

Nakakagana pa rin ang lumafang ng almusal. . . ng longganisa frittata.

image

Heniweys, eto sigurado ako sa sasabihin kong β€˜to.

Sa sobrang init ng araw ngayon, hindi ako magtataka kung makikita ko si Taning aka Satanas na bumibili ng iced water sa kanto mamaya. Hahaha! Exaj!

Pero sa totoo lang, mas gugustuhin ko na ang ganitong panahon kesa sa panahon na maulan.

Have a nice Thursday and stay hydrated, lovelies!

 

 

Posted from WordPress for Android

oOo

B.J – B.J din kapag naiinitan! . . . . Buko Juice for Summer!”

2 thoughts on “Mainit Na Huwebes

  1. mas gugustuhin ni mamaru ang tag init dahil mabenta ang kanyang negosyo …kaya pala gustong gusto ni satanas bumili ng ice dahil maganda ang nagbebenta…tao po pabili po ng ice…sana makabili din ako ng ice kay mamaru oara makita ko ang two piece na yan ….

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @nick, boom na boom ang bisnis kong pagbebenta ng yelo. At last, yayaman na yata talaga ako. πŸ˜€

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *