Magkapareho Ba?

 

Eto ang latest post ko today sa Instagram account ko na naka-auto share sa FB ko.

Picture ni Django, isa sa mga tuta ko…nakabulagta na natutulog.

Django

“Sa sobrang init ng panahon, hindi na alam ni Django panu ipupwesto ang sarili sa pagborlog mapreskuhan lang.” #HalayPose

.

Maya-maya may notification text akong na-receive sa selpon ko. Isang FB comment.

Myko commented on your photo.

“Madame, parang pareho po yung pose nyo sa profile pic nyo at pose ni Dja…”

Hmmmn…bitin ang text.

So sinundan ko na lang yung notification link papuntang FB account ko mismo para mabasa ng buo.  Kaso nung tsinek ko, dinelete na pala yung comment! Bakeeeeet?

Hindi ko alam kung bakit dinelete ni Myko ang comment nya.

Pero sa totoo lang ang lakas ng tawa ko sa sinabi nya. Napatingin tuloy ako sa display profile pic ko sa FB at kinumpara sa pic ni Django.

moi

wpid-DSC_0242.jpg

  Ampotah! Pwedeeeee! May hawig! Mahalay pose! Haha!

 

Posted from WordPress for Android

 

 

oOo

“Pinakamalaking kabobohan sa mundo, yung alam mong maraming may gusto sayo pero nagagawa mo pa ring maghintay sa pinaka-manhid na tao.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.