Ulan

Ang lakas ng ulan dito sa amin kahapon ha.  Caloca!

Pero impernes naman, siguradong  hindi lang ako ang natuwa kahapon sa pagbagsak ng ulan. Eh kasi mantakin mo ba naman na mga ilang linggo na rin na mala-pugon lang naman ang klima ng Pinas. Pakiramdam ko pag nagtagal pa ang init ng mga ilang linggo ay made-dehydrate na ang ganda ko. Lakas din makatunaw ng alindog ha! Syet.  Chos.

Kaya nakakatuwa na parang nagkaroon ng “time out” ang pipol op Iligan kahapon mula sa sobrang init ng araw. Pero haleeer, don’t forget na summer kaya ngayon. Natural lang na mainit ang panahon noh.

Aminin ko…na-miss ko ang ulan. Parang gusto ko maligo at magtampisaw sa labas (na naka-borles), kaso pinili ko ang matulog. 😀

Cacatuwa, nang dahil sa ulan kahapon, nabasa ang mga dapat mabasa at nadiligan ang mga dapat madiligan. Maliban suckin na walang dilig. Haays. Tigang. Syet ulit.

image

Tenkyu, ulan!

Kitams! Sino may sabing pare-pareho lang ang panahon?

Sabi nga ni Kuya Kim, “ang buhay ay parang weder-weder lang”. Kaya ano man ang sitwasyon mo ngayon, sandamakmak man ang problema mo o kaya nasa sitwasyon na hindi kanais-nais…asahan mong lilipas din yan, may pagbabago at mare-resolba din ang lahat. Maniwala lang sa kagandahan ng buhay at  wag na wag mawawalan ng pag-asa.   Tsaka nga pala, dasal-dasal din pag may time.

Amen?

 

Posted from WordPress for Android

oOo

“Just because you can’t see the air doesn’t mean you stop breathing. Therefore, just because you can’t see God doesn’t mean you stop believing.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.