Emote-Emote Din Pag May Time

Gaya mo, gaya niya, gaya nila, gaya ko, may araw na ang pakiramdam ko eh ang lungkot-lungkot. Yun bang ang tingin mo sa paligid ay lahat black and white, walang kakulay-kulay, walang kabuhay-buhay. Lahat monokromatik, ika nga.

Hindi ko alam kung ano problema ko pero parang matatapos yata ang araw ko ngayon na walang kasigla-sigla.

Hindi kaya sintomas ‘to na malapit na akong ma-deds? Syet! Kiki! Wag naman sana.

Sure ako hindi ‘to PMS. MayGad! Ano kaya ‘to? Depres-depresan?

Enweys, pag inaatake ako ng ganitong pakiramdam, naghahagilap o nagbabasa-basa na lang ako ng mga inspirational slash motivational quotes sa internet hanggang sa magsawa ako, hanggang sa magbago ang mood ko.

affirmation

Napag-isip isip ko rin, parang nakakahiya naman yata kay Lord kung dadagdag pa ako sa mga magrereklamo sa Kanya tungkol sa nararamdaman ko ngayon. . . na kung tutuusin ay bilyones ang bilang ng  tao sa mundo ang may grabeng problema sa buhay nila kung ikukumpara dito sa nag-iinarte LANG at nag i-emote kong sarili.

 

oOo

“You can never understand someone’s pain until you’re the one who feels it.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *