Saturday Humor 05.18.13

im rich 

Lahat na lang nang sekta at religious groups naglabas ng listahan ng pulitikong i-endorso.
Sabi ng Diyos: "Labas ako dyan! Sakit sa ulo!"

Isang araw may maganda at sexy na babae naging estudyante ang driving instructor.
SEXY: "Paano ba ang tamang paghawak dito sa kambyo?"
INSTRUCTOR: "Hawakan mo gaya ng ginagawa mo sa ari ng boypren mo."
SEXY: "Ah ok!"
INSTRUCTOR: "Miss, wag mong isubo ang kambyo!"

Mga bagong kasal naghoneymoon sa Tagaytay. Palibhasa si mister ay nasanay sa mga prostitute, di niyang sinasadyang abutan ng isang libo ang misis pagkatapos nilang magtalik. Nagalit si misis.
MISIS: "Walanghiya ka, magpaliwanag ka! Bakit mo ako binayaran?"
MISTER: "Ikaw ang magpaliwanag! Bakit mo ako binigyan ng sukli?!"

ALAK or BABAE?
Ang alak kasama mo sa kasyahan at kalungkutan..
Ang babae kasama mo sa kasyahan pero pasimuno sa kalungkutan..
Ang alak hindi ka iiwan dahil sa babae. pero ang babae iiwan ka dahil sa alak..
Ang alak ginagawa kang matapang pero ang babae ginagawa kang duwag..
Ang alak nakakawala ng pagod pero ang babae nakakapagod..
Ang alak nakakalasing ang babae nakakaparaning..
Pero ang alak masarap.. lalo na pag may babaeng kaharap!

Continue reading

Our Sang Turns 2

Bertdey ngayon ni Sang.

Gusto sana namin magpa-party sa McDonalds…kaso fully-booked daw sila today. Char lang!

 Sang1

Wala na akong mahihiling pa sa kabaitan ng alaga namin na ‘to. Puppy dog eyes

Hindi lang sya mabait sa amin, kundi pati na rin sa mga puppies nya. Kakabilib! She’s truly adorable.

Kahit maaga syang nagpabuntis sa hindi namin kilalang herodes, oks lang….tanggap namin sya. Lol!

Sana ay marami pang taon at maging mahaba pa ang panahon ng pagsasama namin.

sang2

Sang. . . Ako, si Kuya Kevin, at si Ate Keziah mo….MAHAL na MAHAL ka namin! Red heart

 

The Family Dog
If you can start the day without caffeine,
If you can be cheerful, ignoring aches and pains,
If you can resist complaining and boring people with your troubles,
If you can eat the same food everyday and be grateful for it,
If you can understand when loved ones are too busy to give you time,
If you can overlook when people take things out on you when, through no fault of yours, something goes wrong,
If you can take criticism and blame without resentment,
If you can conquer tension without medical help,
If you can relax without liquor,
If you can do all these things . . . . .
THEN YOU ARE PROBABLY THE FAMILY DOG!!

 

 

oOo

"My sunshine does not come from the skies, it comes from the love in my dogs eyes"

Mula Ulo Hanggang Paa

Pagdating sa sapatos at size ng paa, masasabi kong OLATS ako sa usapan na yan. 

Sa hindi nakakaalam, pagdating sa size ng paa, bitin po ang binigay na biyaya sa akin ni Lord.

4 and 1/2 lang ang size ko. Ang liit!

Sabi ko nga, “Lord, alaskador ka rin noh? Sana ginawa Nyong size 5 ang mga faa ko. Sinakto nyo na lang po sana…yung walang butal…para naman hindi naging kalbaryo palagi sa akin ang paghahanap o pagbili ng shoeses ko.” Yung mga nice and sexy women shoes and sandals kasi ay nag-uumpisa sa size 5 eh.

Tuloy, eto tumanders na lang ako na naglalaway at hanggang tingin na lang sa magagandang women shoes and sandals. Bihira lang kasi ang kasya sa akin.

Pero kung pipilitin at kung gusto kong makakakita ng maraming shoes na kasya sa akin, well, meron naman. Yun nga lang, asahan nyong dun sa children section ang bagsak ko kung saan doon ay pwede akong magsukat ng magsukat ng mga 4.5 size of Barbie shoes. Leches!

Haaays, sa pagiging maliit ng size ng paa ko, iniisip ko na  lang as consuelo yung tungkol dun sa isang “kasabihan”. 

Eh kasi di ba may kasabihan lalo na sa kalalakihan, na pag malaki daw ang sukat ng shoes o kaya paa ng lalaki ay malaki din daw ang *tooooooot!

So, ibig ba sabihin nun, pag ang babae ay maliit ang sukat ng shoes o ng paa ay maliit din ang *tooooooot!?  😀

Howel, napag-usapan na rin lang ang tungkol sa paa at sapatos, Aminado akong wish ko rin na sana ay nabiyayaan ako ng magandang paa, kaso hindi rin eh. Pero kahit hindi kagandahan ang mga paa ko…hindi rin siguro ako aabot sa puntong mag aala-Julianne Moore sa pagsusuot ng sapatos.

Source

Lookie, lookie! Eto ang tsura ni Julianne Moore sa Cannes opening ceremony noong isang araw. Look nyo mula ulo hanggang paa.

Kaso, pagdating sa paa…Tsk tsk tsk! Sagwa huh!

Sayang….ang puti pa naman ng mga faa nya.

Ay! Eto pa ang isa na hindi ko kinaya! Ang jontis na si Ateng Kim Kardashian.

Grabeeeee! Hindi halatang manas na manas ka ‘teh!

Nagmukhang pumuputok na malalaking sausage lang naman ang mga paa nya na pilit pinagkakasya sa lalagyan. Kahit halatang hirap na hirap sa suot nya…tiis-ganda pa rin ha!

Lukaret talaga ‘tong mga artista. Lol! Mga walang pakels. Hindi man lang inisip na titingnan talaga sila mula upo hanggang paa.

Pero ang hirap din ng kalagayan nila kasi kahit kulugo nila sa katawan ay talagang pupunahin ng media, photograpers o kaya ng mga fans.

Kaya nga iniwan ko na lang ang showbiz career ko, iniwasan ang limelight at nagpaka-nanay na lang ako sa mga anakis ko kasi ayaw ko ng daming nakabantay. Charot!

Source

Heniweys, maiba naman tayo. Alam natin na kagagaling lang dito sa Pinas ni Sarah Jessica Parker para paunlakan ang seremonya sa pagbubukas ng bagong SM Aura Mall sa Taguig.

Oo, sya ang nagbukas ng SM Aura.

At balita ko siya na rin ang nagsara. Bwahaha! Sikyo ang peg?

Eto lang ang masasabi ko. Hindi man ako sikat at kasing seksi ni Sarah Jessica Parker….wala man akong chance na magkaroon ng sandamakmak na Manolo Blahnik shoes gaya ni Carrie Bradshaw

…hindi hamak na MAS MAGANDA naman yata ang mga paa ko sa kanya!

Impernes, hindi ugatin ang mga paa ko na pwedeng pagkamalan na parang LUYA gaya ng paa ni SJP. Hihihi!

 

 

 

oOo

“A woman can carry a bag, but it is the shoe that carries the woman.” – Christian Louboutin