Anong Hinahanap Mo Sa Blog Ko?

Paminsan-minsan, pag may time ay sumisilip ako dito sa Live Traffic Feed na nakalagay sa sidebar ko.

At pag medyo maluwag pa ang time ko ay binubusisi ko na rin kung ano ang hinahanap ng mga pumapasok na visitors dito sa blog ko. O kaya gusto ko malaman kung paano sila dinala ni bespren Google dito.

Eto halimbawa, kanina lang ay may pumasok na taga ‘merika at naghahanap ng kung paano daw ang paraan ng paggawa ng choco cupcakes

*Click images for larger view.

4

Hmmn…hindi na ako nagulat sa hanap nya kasi meron naman talaga akong recipe na pinost noon ng tungkol sa choco cupcakes.

At eto naman,  keywords na “paggawa ng gelatin” naman ang search ng isang visitor kaya dinala sya ni bespren Google dito.

3

I think may post din ako dito noon na tungkol sa gelatin. So oks lang yan. Walang nakakagulat.

Pero eto, hindi ko kinaya ang isang ‘to…

 2

May mga keywords na bumubulaga sa traffic feed ko na nakakawindang talaga!

Hindi ko alam kung bakit dito sila napapadpad. At nasasagot din naman kaya ng blog ko ang mga katanungan nila? Lol!

Eto pa ang isang muntik ko na ikahimatay. Charot!

1 

Haysss…ewan ko sa mga Pinoy! Kung anu-ano ang mga naiiisip hanapin sa internet.

oOo

“Time will tell and people will soon start to show their true colors.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *