MeSakit

May nagbabadyang trangkaso na nagaganap sa bodylicious ko.

Hatsing ako ng hatsing mula pa kahapon. “Bless you” ng “bless you” naman ang katabi ko.

At eto na ngaaaaaa, ang tsakit-tsakit na ng ulo ko. 🙁

Iba talaga ang epekto sa body at sa pangkalahatang pakiramdam kahit malabnaw lang na sipon ang meron ka sa ilong. Hindi ka mapagtrabaho ng matino at parang gusto mong tumihaya na lang palagi sa bed.

Malabnaw pa sa ngayon ang sipon ko, mala-uhog pa kumbaga. Hindi pa sya yung full-blown na malapot na berdeng plema. Kaya may time na basta tumutulo na lang sya ng kusa mula sa ilong ko na hindi ko nababantayan.

Kainis nga, kasi too late ako palagi sa pagsinghot para mahabol ko sana pabalik sa ilong ko ang pagtulo nya.

Haays, ano nga ba tawag ng ganito sa english?

Runny nose, di ba? Hmmn… runny…kaya pala.

Ang hirap matulog, ‘tragis!

Bumabara ang sipon ko, di ako makahinga! Literal na kelangan kong naka-nganga matulog para lang maka-surbayb at para magising pa ng buhay. (May nagising na bang patay?)

Ay heyt wat ay pel rayt naw.

Ang ikinaganda lang ng may ganitong karamdaman ay yung di ako masyado nakakaramdam ng gutom sa ngayon.

Eh kasi ba naman, panay lunok lang ako ngayon ng mala-uhog kong sipon . Hindi ko niluluwa. Tinatamad ako eh. Kaya ayun – busog ako lagi. Hihihi!

Ewwww ba?

Eww na kung eww! Gross na kung gross!  Tse! Vakit vah! Walang vasagan ng trip! Hmp!

Posted from WordPress for Android

oOo

“We are all weird. And life is weird. And when we find someone whose weirdness is compatible with ours, we call it love.”

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *