Hukay-Hukay Kasi Maraming Time

Kung nakikita nyo lang sana ang gilid ng bahay namin…susme, mahihiya ang mga lubak-lubak na madalas mong nakikita sa mga kalsada natin.

Parang sungka na nga yung daanan sa labas at gilid ng mansyon namin sa daming hukay ng mga alaga ko.

Pati mga tanim ko…wasak! Sirang-sira. Hays, nakaka-gee-ar-ar- ar-ar talaga!

Etong umaga lang, si Will ang nakita kong petiks na pinagkasya ang wankata nya sa hukay na ginawa nya.

image
Sinutsutan ko para umalis. Pero, sows! Tinitigan lang ako.

Sume-selfie ang mokong.

image
Nagsawa na ako sa kasasaway sa kanila kasi parang naghahalinhinan lang ang mga lekat sa paghuhukay.

Kaya hinahayaan ko na lang sila kasi bilang aso ay kasiyahan na nila yun. Natural na sa kanila ang ganun.

image

Well, kung saan sila masaya, dun na ako… dahil mahal ko silang lahat. Charot!

Ayoko naman maging KJ.

 

Posted from WordPress for Android

oOo

“Never take someone’s love for granted, because someday you’ll realize you lost a diamond while you were busy collecting stones.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *