Homemade Tuyong Isda

Yey!! After two days ng pagbibilad….natuyo na rin ang dapat matuyo. 

Tamang-tuyo ako ngayon. Dancing

Habang ako ay tumatanders, gustuhin ko man dalasan ang pagkain ng peborit kong tuyong isda…dehins na pwede o pinipilit kong limitahan dahil umiiwas na ako ng mga pagkaing sobrang maaalat. Bad daw kasi sa health ang sobrang intake ng salty food.

(Wait lang, kung alat din lang ang pag-uusapan, kelangan ko ba talaga ng maaalat na food sa katawan ko? May alat pa naman ako a! Sguro naman, kahit papano eh asim pa ako. Pwedeng-pwede pa pang-sigang. Charot!)

Seryusli, lalo na yung mga commercial dried fish, nakow, sobrang alat! Ayaw ko! Kunsabagay, yun kasi bale ang preservative ng tuyong isda. Kaya minabuti kong gumawa ng hindi masyado maalat. Homemade.

Kaya, presenting tu yo, from me, tuyo!

homemade dried fish

Tinoyo ako noong isang araw kaya naisipan kong magpatuyo ng isda. Mga kalahating kilo lang naman. Konting asin lang talaga ang ibinudbod ko dito sa mga binukaka kong isda. 😀

Madali lang naman ang paggawa ng dried fish. Ang paghiwa ng isda, pag-alis ng mga bituka at hasang, yung paglinis, lahat yun ay natutunan ko kay Tatay. Ang tatay ko na isang dating DON. Lol!

NOON, hindi ako makagawa ng tuyong isda dahil sa andaming pusa ng kapitbahay namin. Mabubwisit lang ako kasi alam ko na tatangayin lang ng mga pusikat ang mga binilad kong isda.

Howel, siempre ang panahon ay weder-weder lang, in short – nag-iiba.

NGAYON, hindi sikreto na may kalahating dosena akong aso dito sa bahay. Kaya ang sinumang pusikat na maglalakas-loob na pumasok sa bakuran namin, ay parang nagpapakamatay na rin. Kahit anino lang siguro ng pusikat ang makita ng mga alaga ko…sasalakayin nila at hindi patatawarin. Tiyak – tegi ang pusa!

Kaya I owe it sa mga furkids ko dahil binantayan nila ang homemade tuyo ko, dahil yun din ang bilin ko sa kanila.

 

 

oOo

“Kapag ginawa kang kabit, you are nothing but sex.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *